Nangyari na nga kanina, ika-17 ng Mayo ang pinakainaabangan ng lahat na Miss Universe 2020. Kinoronahan na rin ang nanalo sa pinaka prestihiyong pageant na ito sa mundo na si Miss Universe - Mexico Andrea Meza. Ang pambato naman ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ay nakapasok sa top 21 ng kompetisyon.

Ngunit, simula pa lamang ng kompetisyon ay mayroon nang napansin ang maraming mga nanood ng live coverage ng Miss Universe. Di tulad ng nakalipas na ilang taon, hindi si Steve Harvey ang host ng edisyon ngayong taon ng Miss Universe.

Kasama ng Emmy Award winner na si Mario Lopez ang dating Miss Universe winner na si Olivia Culpo sa paghohost ngayong taon sa Miss Universe. Ngunit, mukhang na-miss na agad ng maraming Pilipino ang pagho-host ni Steve Harvey.

Ito ay matapos mapansin ng mga netizens ang umano’y walang kabuhay-buhay na paraan ng pagho-host ni Olivia sa kompetisyon. Ani ng mga ito, wala umanong anumang ‘energy’ ang host nang ianunsyo ang mga pumasok sa Top 21.


Kaya naman, umani si Olivia ng mga nakakatawang tweets mula sa mga netizen na pinupuna ang kanyang pagiging host sa kompetisyon. Sa katunayan, maging ang ilang mga personalidad na sina Vice Ganda at dating Miss Universe - Philippines MJ Lastimosa ay hindi rin napigilang magkomento tungkol kay Olivia.

“Naku Olivia Culpo ha!  I dnt know lng ha!” ang saad pa ni Vice sa unang tweet na ibinahagi nito tungkol kay Olivia.

Nasundan pa ito ng iba’t-ibang mga tweet matapos na magkaisa ang mga netizen sa kanilang opinyon tungkol sa hosting ni Olivia. Dagdag ani pa ulit ni Vice tungkol dito,

“Wala sa sarili si Olivia. Balisa! Bukas ba 3rd eye mo te?”

“Commercial break. Upo muna Ate Olivia. Hingang malalim. Inom tubig then shake shake shake!!!!”


Samantala, naalala naman ulit dito ng mga netizen na naging first runner-up dati ni Olivia si Miss Universe - Philippines 2012 Janine Tugunon. Matatandaang grabe rin ang naging suporta rito dati ng mga Pilipino kaya ganun na lamang ang kanilang panlulumo nang tanghalin itong first runner-up.

Kaya naman, hindi naiwasang magbiro ng mga netizen tungkol kay Janine na nanonood ng kompetisyon live sa Florida habang si Olivia ay naghohost. Partikular na si MJ, hindi nito pinalampas na i-tweet ang reaksyon niya tungkol dito. Saad nga nito, 

“Kaya mo pa siguro Miss Olivia, andito si JT kung indi na :) :(”

Agad naman na sumang-ayon sa nakakatawang komento na ito ni MJ ang maraming mga netizen na hindi rin nagpahuli sa kanilang mga tweet tungkol dito. Ani pa nga rito ng ilan:

“Anjan ata si Janine Tugonon? Pake sabi punta ng stage at palitan si Olivia Culpo kse for any reason that the miss universe does not fullfill her duties as the emcee, the 1st runner up will take over.”


“Bakit parang hindi masaya si Olivia Culpo?! Smile ka naman sis… hello daw sabi ni Janine! Charot!”

Sa kabilang banda, bigo man ang pambato ng bansa na si Rabiya na makuha ang korona, buo pa rin ang suporta at pagmamahal dito ng maraming mga Pilipino at iyon ang mahalaga. 

Source: PEP