Sa pagdating ng pandemya, marami ang labis na naghirap sa buhay dulot ng pag usbong ng krisis. Walang pinipili na estado sa buhay, mayaman ka man o mahirap, lahat ay apektado sa panahon ng pandemya. 

May nagsasabi na maswerte raw ang mga taong nasa showbiz dahil parang hindi man lang sila naapektuhan ng pandemya. Patuloy pa rin ang kanilang trabaho kahit pa man nagkaroon na ng pandemic. 

Ngunit laking gulat ng mga netizen nang aminin ng isa sa mga batikang aktor ang kanyang paghihirap at ng kanyang pamilya dulot ng panahon ng krisis. Nag viral ang pagbahagi ni Robin Padilla matapos sabihin nito ang kanyang tunay na sitwasyon.

Matapos ang kanyang pag repost sa isang statement ni President duterte tungkol sa mga bagay na nagawa ng gobyerno, dito niya binulgar na nagamit na pala niya ang perang inipon nila ng kanyang asawa para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Statement ni Pres Rodrigo Duterte na nirepost ni Robin:

“ANG GOBYERNO MAY GINAGAWA. Kung marami lang tayong pera, pwede ako magtapon ng pera. Pero wala akong pera at hindi naman ninyo masisisi ang gobyerno. Tutal nauna kami, nauna kami ng bigay, PHP5,000 per individual. You know, just to ipakita sa inyo na ang gobyerno may kakaunti lang nga pero ang gobyerno may ginagawa.”


Sa kanyang post, nabanggit din ni Robin na kung paano nag set up si Mariel, kanyang asawa, ng isang business para lamang sa makatulong sa kanya sa pang-araw araw nilang mga gastusin.

Sabi ng aktor, siya at ng kanyang asawa ay ay nakaranas din ng paghihirap sa gitna nitong pandemic. Gumagawa sila ng paraan para may mapagkukunan pa rin ng mga pang gasto sa araw araw na pangangailangan.

Sa kanyang online post, nagsimulang magbahagi si Robin Padilla ng isang positive note na nagsasabing “Mga kababayan kaya natin ito basta tulong tulong tayo.”

"Hindi lamang po kayo ang hirap pati po kami sa aming tirahan ay masikip na masikip na ang sinturon sa pagtitipid,” sabi ni Robin sa kanyang post. 

Ang mga savings ay naghihingalo na kaya't pati ang nakalaan para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na pero patuloy pa rin naming itinatawid ang mga taong nasa pakpak namin, hangga't maaari ayaw namin sila maghirap kaya't ang aming mga sueldo ay diretso na sa kanila." 

Dito, nabanggit ni Robin ang paggalaw nila sa savings ng kanilang mga naka na nakalaan sana para sa edukasyon na siyang nakalaan nila para hindi na maghirap ang kanilang mga anak sa pag-aaral. 

Ang asawa ko ay nag negosyo na rin para makatulong sa aming mga panggastos halos wala ng tulog sa kakaalaga sa pamilya niya at sa pag aayos ng karne niya pero kinakailangan niya kumilos." 

Nabanggit ng aktor ang pag set up ng kanyang asawa ng isang online business para may mapagkukunan na pang gastos sa kanilang mga expenses. 


Si Robin Padilla ay isang actor, director producer at screenwriter. Sikat sa kanyang mga pelikulang aksyon at iba pang mga teleserye na siyang dahilan ng pagkilala ng mga tao sa kanya. 

Sa kasalukuyan, may dalawa silang anak ng kanyang asawa na si Mariel Padilla.

Source: KAMI