Naging mainit ang usapan sa social media tungkol sa mga akusasyon at paratang sa mga kumakalat na posts tungkol sa dating Miss Universe na hindi raw kailanman nagpapakita ng suporta sa pambato ngayon na si Rabiya Mateo.

Marami ang nagsilabasang mga Posts tungkol kay Catriona Gray na hindi siya nagpapakita ng suporta sa kandidata dahil wala raw umano itong ginawang mga posts at pag ingay sa social media para kay Rabiya.

Nitong mga araw lamang, nag post si Catriona ng ng throwback photo niya sa kanyang arrival sa Thailand para sa Miss Universe 2018. 

“And just like that, it's @missuniverse season again! I think it’s such an amazing feat that the delegates from around the world have been able to be present in Florida, USA having overcome all the challenges that I’m sure they and their team faced!,” caption ni Gray sa kanyang post.

So shoutout to all the contestants, their teams and families who have helped in allowing each woman to strive for her @missuniverse dreams despite the current climate!

Seeing all the arrival looks so I’m reminiscing my own arrival look in Thailand. (Definitely one of my favorites!) Who are you all cheering for?”

Sa post ni Gray, marami ang nadismaya dahil umano sa hindi niya pagmention kay Rabiya Mateo sa kanyang post na kung tutuusin pareho lang sila ng bansang nirerepresenta.

“Really? You’re a Filipina. Instead of cheering for [Mateo], you ask people who they are cheering for?” tanong ng isang follower ni Catriona.


Sinagot naman niya agad ang tanong ng isa sa mga follower niya na siya ay Filipina at Miss Universe. Sinabi niya na selebrasyon iyon ng lahat ng babae sa buong mundo. 

“I’m a Filipina AND a Miss Universe. It’s a celebration of women from all over the world,” sagot ni Catriona sa kanyang follower.

Isang follower na naman ni Gray ang ikinumpara siya kay Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach sa kanyang pagpapakita ng suporta sa pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe.

You can at least show support to Rabiya even just through your insta story. We know Pia has shown her support!” sabi ng karamihan sa kanyang mga followers.

Agad naman sinagot ito ni Catriona Gray na nag re-reach out siya kay Rabiya Mateo in private. 

“Not everything is on display on social media,” sagot ni Catriona Gray sa akusasyon sa kanya. 

Noong October 2020, isa si Catriona Gray sa mga kauna-unahang beauty queens na nag encourage kay Rabiya Mateo sa harap ng publiko sa kabila ng mga kontrobersiyang pagkapanalo niya sa Miss Universe Philippines.

Si Catriona Gray, kasama ang Miss Grand International 2016 first runner-up, Nicole Cordoves ay kasalukuyang nag train ng current batch ng mga kandidata sa National Binibining Pilipinas pageant.


Si Rabiya Mateo ang kauna-unahang Miss Universe Philippines na ipapadala sa isang international competition na bago na ang organization na nakuha lang ang license noong 2019.

Si Catriona Gray ay nakaronohan na ang hawak pa ng National pageant na iyon ay ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. na siyang batikang partner na ng Miss Universe sa loob half century.

Source: ABS CBN