Viral ngayon ang YouTube video na nagrereklamo umano sa isang aktres na si Alma Moreno matapos hindi raw nagbayad ng renta si Alma at iba pang dahilan na ikinagalit ng may-ari ng nirentahan niyang condo. 

Sa recent video ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo, sinabi ng babae na iniwan lang ng aktres ang inuupahang condo na putol ang linya ng tubig at kuryente.

Ipinakita sa video sa programang Wanted sa Radyo ang isang babae na kumatok sa pintuan ng condo at laking gulat umano ng babae sa kanyang nakita sa nangyari sa kanyang condo. 

“Wala ngang ilaw eh, naputulan na. Puro insekto, Oh my gosh! Wala ring tubig. Oh, sira din to oh tingnan mo. Puro ipis,” sabi ng babae sa video.

Sa programa, nagpakilala ang babaeng nagreklamo na nagngangalang Theresa Grenard na nasa Dubai ngayon at nagpakilalang may-ari ng condo na nirentahan ni Alma na Azur Urban Residences sa ParaƱaque.

Sinabi ni Theresa na noong August 23 panahong nasa Pilipinas siya ay nagpunta si Alma at nakiusap sa kanya na rentahan ang kanyang condo.

“Kasi po noong August 23, nagkataon po nasa Pilipinas ako tapos doon nagpunta si Alma, nakiusap po… hindi ko po talaga pinaparentahan yung condo ko gawa nga po ng pandemic,” sabi ni Theresa.

“At saka marami po talagang hinihingi ang Azur para po makapag... makapag stay sa Azur,” dagdag ni Theresa.


Sinabi naman ng aktres na kayang kaya niyang gawan ng paraan para makapag stay siya sa Azur Urban Residences at pumayag umano ang may-ari dahil doon nagtatrabaho ang kanyang kapatid sa aktres na si Alma.

“So, sabi naman po ni Alma na magagawan niya yun ng paraan. Pumayag na rin po ako kasi ahm...nagtatrabaho po yung kapatid ko sa kanya so kakilala po namin siya.”

Nagbigay naman si Alma ng Php 35,000 at iyon ay discounted na sabi ng may-ari. Ngunit nitong August 25 hanggang sa first week ng September, nawala na raw ang kanilang komunikasyon ng aktres.

Umabot na sa Php 4,000 ang bill ng kuryente sa loob ng isang buwan. At nung dumating na yung 2nd month or 3rd month, sinabi raw ng aktres na ibigay na lang sa kanya ang bill ng Meralco at siya na lang ang magbabayad mismo.

Ngunit matapos ang naging kasunduan, hindi na nakipag communicate ang aktres sa may-ari ng condo. Sa programang Wanted sa Radyo, nasa linya si Alma ngunit tumanggi itong magbigay ng kanyang statement.

Kung gayun, nagbigay na lamang ng mensahe ang may-ari ng condo para sa aktres at ito ang kanyang sinabi:

So magandang hapon po Miss Alma. Sana lang po makipag communicate kayo sa akin kasi yun pong sinisingil ko sa inyo hindi naman po kami ang gumamit o ang ibang tao kayo naman po which is nagpromise po kayo na bigyan ko kayo ng enough time. Pero nagtataka ako na everytime na tumatawag ako sa inyo o SMS hindi nyo naman po sinasagot.

Ngunit sa kalagitnaan ng programa, nagpahatid naman ng kanyang statement ang aktres at heto ang kanyang sinabi:

Alam ng Diyos na wala akong ginagawang masama. Alam ng Diyos yan kaya hindi ko kailangan mag explain sa inyo. Kakausapin ko na lang yung kapatid ni Tere.

Sinabi naman ni Tulfo na hindi pwede na siya lang ang kausapin ni Alma ng off air na hindi naririnig ng complainant dahil sinabi umano ng aktres na si Raffy Tulfo lang ang kanyang kakausapin.


Sa kabilang banda, nabanggit ng complainant na mabait ang aktres dahil marami na raw itong natulungan sa ginawang mga volunteer works kasama ang kapatid ni Tere.

Sinabi rin ni Raffy Tulfo na minsan na rin naging bida si Alma Moreno sa Wanted Seye na may pamagat na “Nanay Ko, Karibal Ko”

Si Theresa Grenard ay isang dating businesswoman na may franchise ng Smile Bar sa BGC at Quezon City at ngayon ay isa na lamang siyang housewife sa Dubai dahil sa nangyaring pandemic. 

Panoorin ang buong video dito!