Hindi kaila para sa marami lalo na sa mga tagasuporta ng aktres na si Angel Locisn ang mga pinagdaanan nitong mga problema dati sa kanyang kalusugan. Ngunit, hindi naman naging hadlang ang mga ito para sa aktres at bagkus ay mas dumami pa ang mga humanga rito dahil sa kanyang kabutihang loob.

Kaugnay nito, kamakailan nga lang ay nagsadya si Angel sa kilalang celebrity dermatologist na si Dra. Aivee Teo dahil naman sa isang problema nito sa balat. Bagama’t kilala ng marami si Angel sa kanyang pagiging simple, hindi rin naiwasan na nagkaroon ng ito ng ilang mga iniinda sa kanyang mukha.

Ayon kay Angel, sa bandang parte umano ng kanyang baba ay palagi raw itong tinutubuan ng kung ano-ano. Kaya naman, kumonsulta ito kay Dra. Aivee kung ano ang pwede niyang gawin tungkol dito.

“Ito paulit-ulit lumalabas. Mawawala tas babalik. I think it’s because of the mask,” ang ani pa ni Angel.

Bilang tugon, pinayuhan ng doktora si Angel na sumailalim sa isang proseso na kung tawagin ay “Aerolase”. Sa pagsailalim dito ng aktres ay sigurado umanong hindi na nito pro-problemahin pa ang kung anu-anong mga tumutubo sa kanyang baba.

Kaya naman, agad din na sumailalim sa dito si Angel sa gabay mismo ni Dra. Aivee. Makikita namang masaya ang aktres sa proseso at maayos ang kinalabasan nito.


Samantala, sa kanyang pagbisita sa klinika ni Dra. Aivee ay hindi rin naiwasan na pag-usapan ng mga ito ang fiancee ni Angel na si Neil Arce. Kaya naman, pagbabahagi ni Angel tungkol sa kanyang mapapangasawa,

“Kay Neil naman kasi, parang kung ano yun mga gusto niya, gusto ko rin… Sana naman gusto niya rin yung gusto ko.”


Noong nakaraang taon pa sana planong magpakasal nina Angel at Neil ngunit, dahil sa kinakaharap na pandemya ay hindi muna ito natuloy. Dahil din dito kaya itinuon na lamang nila Angel ang kanilang atensyon sa patuloy na pagtulong sa mga nangangailangan.

Napag-uusapan din naman umano ng mga ito ang tungkol sa kanilang kasal kagaya na lamang ng kung anong klaseng kasal ang gusto ng mga ito. Pagkukuwento pa nga tungkol dito ni Angel,

“Nag-usap din kami, ‘Ano ba ang gusto nating wedding?’ Since we’ve been good friends for a long time, gusto lang talaga namin ay masaya lang ang lahat ng tao, hindi yung ilang na ilang kang gumalaw.”

Samantala, ibinahagi rin kamakailan lang ni Angel na sinisimulan na nito ang kanyang pagdi-dyeta. Sa Instagram, ibinahagi ni Angel ang kanyang mga unang hakbang sa kanyang new calorie-control diet na aprobado ng kanyang nutritionist.


“Today is the first day of my diet. After so many years, I finally decided to go back,” ang ani pa rito ni Angel.

Ikinatuwa naman ito ng marami at nakatanggap ito positibong mga mensahe. Nitong nakaraang taon lamang ay nasaksihan ng publiko ang biglaang pagbabago sa timbang ng aktres kung saan, ilang mga netizen ang pumuna rito.

Gayunpaman, mas nangibabaw pa rin sa mga ito ang mga nagtatanggol at nagmamahal kay Angel lalo na’t hindi tamang rason ang pagtaas ng timbang para makatanggap ng pambabatikos ang aktres.

Source: socmedtoday