Sa edad lamang na 14, marami ang humahanga sa anak ni Queen of All Media, Kris Aquino, dahil sa talino nito sa pagsagot sa mga tanong na ibinabato sa kanya. Kahit kasi bata, madalas ay hindi ligtas si Bimby sa mga pambabash at panghuhusga ng mga tao sa social media.

Gaya ng kanyang ina ay halos hindi rin lubayan si Bimby ng mga intriga lalong lalo na tungkol sa kanyang kasarian at tungkol sa relasyon nito sa kanyang ama na si James Yap. 

Kaya naman, sa isang tell-all video na ibinahagi ni Kris sa Instagram kamakailan lang, matapang at diretsahang sinagot ni Bimby ang tungkol sa mga ito. Una na nga rito ang katotohanan tungkol sa relasyon nilang dalawa ng kanyang ama.

“Do you feel resentment that you have grown up with no dad?” ang tanong pa ni Kris sa kanyang bunso.

Dito, isang diretsahang ‘hindi’ ang isinagot ni Bimby sa naturang tanong. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na lumaki si Bimby kasama ang kanyang ina. Ang PBA player ay mayroon na ring dalawang anak ngayon sa kasalukuyan nitong partner na si Michela Cazzola. 

“No, kasi I have such an awesome Mama,” sagot pa nito, sabay dagdag sa ilan pang mga malalapit na tao sa kanyang buhay gaya ng kayang pamilya.


Ayon din kay Bimby, sa kabila nang kawalan ng ama sa kanyang buhay ay hindi niya rin umano ramdam na mayroong kulang dahil sa mga taong ito sa kanyang buhay. Pagbubunyag pa nga ni Bimby, napatawad niya na rin umano si James. 

“Yeah! ’cause… Sorry sa bluntness po ha, I don’t really care,” ani pa ulit nito.

“Hindi siya bastos po. You forget and when you look back at the memories… at those horrible memories, mawawala na ‘yung pain. He has his own life, and I have my own life. We are not in contact…,” paliwanag pa ulit ni Bimby.

Madalas ay natsi-tsisimis na si Kris umano ang dahilan kung bakit madalang na magkita ang mag-ama. Ngunit, dito ay binigyang linaw ni Bimby ang isyu at sinabing si James umano mismo ang hindi kumo-contact sa kanya. 

“It’s the opposite. He’s the one who’s not trying to get in contact with me. 

“I have a phone, and it just takes like 10 digits to call me. E, hindi niya ginawa in ilang years. But all those people who love me, who care about me are like 650,000 times better than what I could get from him. Sorry sa bluntness ko po,” ang paliwanag pa ulit ni Bimby tungkol dito.

Samantala, hindi rin inatrasan ni Bimby ang patuloy na pag-iintriga na siya umano ay hindi ‘straight’ o tunay na lalaki. Ayon sa kanya, hindi raw siya apektado sa naturang mga pambabatikos sa kanya dahil kilala niya raw ang kanyang sarili at alam niya na hindi siya bakla gaya ng ipinipilit ng marami.


“I just feel like, sige. If you think I’m gay, alright dude. But, you do realize na the gay community in the Philippines is a strong community. And you do realize that I’m 13… and 14 in a few minutes.

“It did not go through my mind because I know what I am. I’m straight,” pahayag pa nito. 

Source: socmedtoday