Linggo bago ang selebrasyon ng Father's Day sa bansa, isang 16 taong gulang na lalaki ang nagpaantig sa puso ng mga netizen matapos ang kanyang mensahe na pinost para sa kanyang "erpat."

Marami ang na-touch sa message ng isang lalaki na nagngangalang Allen Curth Espeleta sa ibinahagi ng binatilyo na kung gaano kaganda sa feeling na magkaroon ng oras makasama ang kanyang ama sa pagtatrabaho---karpintero at pintor sa pagtatrabaho. 

“Wala lang guys, gusto ko lang sabihin na ang sarap pala sa feeling na pag yung tatay mo kasama mo sa isang trabaho,” sinabi ni Allen habang pinost ang photos miya at ng kanyang ama sa isang bahay na tinrabaho nila sa Caloocan City. 

"Kahit taga-abot, taga walis, taga-buhat lang ako pero alam niyo yung pakiramdam na kayong dalawa lang nang erpat mo nasa isang lugar."

Ipinahihiwatig lang ni Allen kung gaano kasarap sa feeling ang makasama at makabonding ang kanyang erpat. 

“Sabay kayo kakain, kwentuhan, habang nagtatrabaho at higit sa lahat yung kaninang pauwi kami nakaakbay sa akin si papa habang umuulan.”

Nagbigay din siya ng mensahe para sa kanyang ama kung gaano niya kamahal ang kanyang ama. Proud din niyang sinabi na sobrang proud siya sa kanyang ama. 


“Mahal na mahal kita papa. I love you, proud na proud ako sayo. Napaka-sipag mong padre de pamilya, ang swerte naming magkakapatid sa’yo papa.”

Si Allen, bilang panganay sa limang magkakapatid, sinabi niya willing siya mag extend ng tulong sa kanyang ama sa oras na nangangailangan ito. 

“Bukal po sa akin yun ma’am,” sinabi ni Allen sa kanyang naging panayam sa STAR's Latestchika.com.

Ayon kay Allen, hindi niya inakala na ang kanyang simpleng post ay mag viral na ang gusto lang naman niya ay ipahiwatig ang appreciation para sa kanyang ama. 

“Bilang pasasalamat and proud lang po ako sa papa ko kasi hardworking po siya ma’am eh and karapat dapat pong ipagmalake ang bawat magulang,” sabi ni Allen.


“Sobrang saya po kasi sobrang daming naka-appreciate. Sobrang proud po kasi ako sa tatay ko. Di lang naman po sa tatay ko, pati po sa nanay ko,” dagdag pa niya. 

As of the writing, ang post ni Allen sa Facebook ay umabot na sa 70, 000 reactions at 30,000 shares. 

Source: latestchika