Trending at mainit pa rin na pinag-uusapan sa social media ang balita ng biglaang pagpapakasal ni Ginebra star Scottie Thompson sa stewardess na si Jinky Serrano at ang umano’y pag-iwan naman nito sa ere sa kanyang fiance at longtime girlfriend na si Pau Fajardo.

Sa isang ulat na inilabas ng Pep.ph, lumalabas na maging ang mga kaibigan umano nina Pau at Scottie ay ikinagulat din ang naging desisyon ng huli. Ayon pa nga umano sa isa sa mga malapit na kaibigan ng dalawa, magkasama pa na nagpunta sa davao sina Scottie at Pau noong unang bahagi ng 2021.

Kung matatandaan, New Year’s Eve nang tuluyang magpropose ng kasal si Scottie kay Pau matapos ang walong taon nilang relasyon. Dagdag pagbabahagi pa ng kanilang kaibigan, nagsasama na rin daw sa iisang bahay ang mga ito.

Ani nito, pinag-ayos pa raw ng Mga kaibigan nila sina Scottie at Pau ngunit, mukhang ang PBA player na raw ang may ayaw. Sa naturang mga panahon ay patuloy pa rin umano na nakikipag-usap sa kanila si Pau.

“Napakabait, napakatahimik, at napaka-simple ni Pau. Hindi mo iisipin na gagawa siya ng kalokohan. Si Pau, napamahal na sa fans dahil napakabait talaga ng babaeng ‘yon. Palagi lang nakangiti… Parang inapi siya nang husto kaya marami ang nakikisimpatiya at nagtatanggol sa kanya


“Matagal na nagsama sa iisang bahay sa Las PiƱas sina Pau at Scottie. Nagri-reach out si Pau sa mga kaibigan nila ni Scottie para maayos ang problema nila. Pinag-aayos sila, pero parang ayaw ni Scottie… .” ani pa nito.

Hindi alam ng mga ito kung ano nga talaga ang totoong nangyari at agad na nagpakasal ang basketball player kay Jinky Serrano. Hindi rin naman umano nila makumpirma ang isyu na baka nabuntis ito ni Scottie kaya nagkaroon ng biglaang kasalan.

“May isyu ring buntis na si Jinky kaya pinakasalan siya ni Scottie, pero hindi… Biglang-bigla talaga ang pagpapakasal niya, ilang buwan pa lang silang magkakilala… 

“May mga social media post din ang kapatid ni Scottie, parang si Pau ang pinatatamaan nila,” dagdag pagbabahagi pa nito.

Samantala, matapos kumalat ang tsismis noon na hiwalay na sina Pau at Scottie ay mayroon umanong ibinahaging Facebook post ang 27 taong gulang na basketball player kung saan, inihayag niya ang kanyang panig tungkol sa hiwalayan.

Burado na ang naturang Facebook post ngunit, marami ang nakakuha ng larawan nito kaya agad na naging trending. Dito ay diretsahan umanong isinaad ni Scottie na wala na sila ng kanyang fiance at inaamin niya rin na siya ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Saad niya pa nga rito, 

“2 months na kaming hiwalay kita niyo nang deleted na mga pic bawat isa samin. Bawal bang may privacy? Gusto manahimik ng tao nangingialam kayo. Buhay niyo ba to? Okay sige. Dahil ito gusto niyo para matapos na…

“AKO REASON NG HIWALAYAN NAMIN AKO ANG MAY MALI NG LAHAT. Mas masarap sundin yung puso natin kung saan masaya. Alam ko ito gusto niyong marinig. Lalaki kong tatanggapin ang lahat ng ibabato niyo sakin.”


Gayunpaman, ayon sa mga kaibigan nito, maaaring hindi umano si Scottie ang nagsulat ng naturang post dahil hindi naman umano ganoong klase ng tao kung magsalita ang Ginebra star.

“Hindi ganyan mag-post si Scottie kaya ang paniniwala namin, ibang tao at hindi siya ang gumawa ng deleted FB post,” saad pa ulit nila.

Source: PEP