Nagluluksa ngayon si Paulina Sotto, isa sa mga anak ng aktor at komedyanteng si Vic Sotto, dahil sa pagpanaw kamakailan lang ng kanyang lolo na si Arturo Luz, isang National Artist for Visual Arts.

Sa Instagram, inihayag nito ang kanyang saloobin at pagluluksa sa pagpanaw ng kanyang lolo sa edad na 94 nitong ika-26 ng Mayo. Nilinaw din dito ni Paulina na hindi COVID-19 ang ikinamatay ng kanyang lolo. 

Gayunpaman, bagama’t hindi nito ibinunyag ang rason ng pagpanaw ng National Artist, inihayag naman nito ang kanyang saloobin nang hindi makasama o makita ang kanyang lolo sa huling pagkakataon dahil sa pandemya. 

Dahil sa COVID-19, hindi maayos na nakapagluksa sina Paulina. Sa nakaraang mga buwan ay hindi nito nabisita ang kanyang lolo kahit sa ospital man lang. Hindi ito rin ito maayos na nakapagpaalam at mayakap man lang ito sa huling pagkakataon.

Kaya naman, kasama ng isang paalala, dagdag pagbabahagi nito:

“I can’t see him off, I can’t touch him one last time. I can’t even hug my relatives. As I look at his body for the very last time, nothing about it feels proper. I know I will never see him again, I know I will never talk to him again, or share a meal with him again. 


“I know he will never hold my daughter again. I know all this, but I don’t feel it. Maybe it’s for the best—this way he can live on in my mind and I’m not hysterically crying every night. But maybe I deserve a proper goodbye to one of the people that mean the most to me. Doesn’t mean I’ll get it. And it just sucks… 

“Wear masks. Stay home. Get vaccinated. Honestly, if you’re still not taking COVID seriously, then please remove yourself from my life. This pandemic has taken away too much already.

“Edit to add: No, he did not die of COVID, for those of you assuming.”

Si Paulina ay anak ni Vic sa dating aktres at modelong si Angela Luz. Ayon kay Paulina, kasama umano ng ina nito ang kanyang lolo sa kanyang mga huling sandali. Ani pa nito,

“My Lolo spent 94 fruitful years on this earth, and last night on May 26 he passed peacefully with my mom by his side. We couldn’t ask for more. Thank you all for your kind words and prayers. May his legacy live on forever.”

Malaki ang naging parte ng kanyang lolo sa buhay ni Paulina kaya ganun na lamang ang kanyang pagluluksa sa pagkawala nito. Habang lumalaki ay madalas ito sa kanyang tabi at naroroon ito sa mga importanteng okasyon sa kanyang buhay.



Gayunpaman, sa kabila ng kanilang pagluluksa, isa sa mga bagay na ipinagpapasalamat ni Paulina ay nang makilala at umano ng kanyang anak na si Sachi ang kanyang lolo kahit sa sandaling panahon lamang.

“I will never let Sachi forget her Lolo Lolo (as I call him). I am so thankful that they still got to spend a bit of time together. Truly a blessing,” pagbabahagi pa ulit ni Paulina.

Source: socmedtoday