Pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktres na si Julia Barretto matapos nakita ng mga netizen na binura umano nito ang post niyang larawan ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson sa kanyang Instagram. 

Kung matatandaan, binura ni Julia ang kanyang recent vlog na kung saan naging guest at nakapanayam niya ang kanyang ama na si Dennis Padilla. 

Ito ay matapos nag viral umano ang naging interview ni Ogie Diaz kay Dennis Padilla na napag-usapan sa huli ang mga anak nito at ang kanyang pahayag tungkol sa relasyong Julia at Gerald. 

Espekulasyon at hinuha ng maraming mga netizen na binura ng aktres ang kanyang video matapos ang naging pahayag ng kanyang ama tungkol sa kanyang kasintahan na si Gerald Anderson.

Ipinahayag kasi ni Dennis sa panayam niya kay Ogie ang mga napag-usapan nila noon tungkol sa mga kinasasangkutang isyu ni Gerald noon. 

Ito ay matapos ang naging kontrobersyal na hiwalayan ng aktres na si Bea Alonzo at Gerald Anderson na marami ang nagbigay ng mga komento na may third party daw na nangyari at si Julia ang tinutukoy nito. 


Dito mismong ikinuwento ni Dennis na siya mismo ang tumawag kay Gerald Anderson matapos ang kanilang naging hiwalayan ni Bea Alonzo. Labis siyang nabahala dahil sangkot umano ang kanyang anak na si Julia. 

Kaya personal niyang tinawagan si Gerald para klaruhin at maging malinaw sa kanya ang mga kumakalat na isyu. 

Napag-usapan din nila ni Ogie ang pagbahahi ni Dennis na labis na niya na mi-miss ang kanyang mga anak. 

Agad talagang nakuha ang atensyon ng marami nang minsa'y gumawa si Julia ng kanyang vlog at sinabihan siya ng kanyang ama na "I love you" ngunit "Thank you" lang ang naging sagot ng dalaga sa kanya. 

Samantalang makikita sa kanyang mga social media posts lalong lalo na sa kanyang Instagram account na panay sabi ito ng "I love you" sa kanyang nobyo. 

At this time, ang post ni Julia na photo ng kanyang boyfriend na kasama ang St. Bernard dog na si Amari ay kasalukuyang binura na ng aktres.

Hinuha ng maraming mga netizen na ang dahilan ng pagbura ng aktres sa post niyang photo ng kanyang nobyo ay dahil umano sa naging statement ng kanyang ama sa naging panayam nito kay Ogie. 

Sa kabilang banda naging trending din kamakailan ang Showbiz update nila ni Mama Loi at Ogie Diaz  nang nabanggit ni Ogie Diaz na nagkausap sila ng aktres na si Marjorie Barretto at nabanggit nito umano nito ang pinakagusto niya sa lahat ng mga naiugnay sa kanyang anak.


Marami sa mga netizen ang nakaabang at nakatutok sa kung sasagutin ba ni Marjorie ang kanyang panig matais ang pinagkakaguluhang mga pahayag ni Dennis kamakailan. 

Nang lumabas ang nasabing interview ni Ogie kay Dennis, marami ang nakapansin na hindi na rin napapanood ang interview ni Julia sa kanyang ama. Hindi na makikita sa YouTube channel ni Julia.

Source: socmedtoday