Talamak na talaga ang mga isyu ngayon tungkol sa mga iniwan ng kanilang mga jowa dahil sa cheating at mga kung anu-ano pang mga third parties.

Isa sa mga pinag-iinitan na isyu ngayon ay ang PBA player na si Scottie Thompson matapos inanusyo sa publiko ang opisyal na hiwalayan ng dalawa. 

Matatandaang si Scottie Thompson at Pau Fajardo ay mag long-time boyfriend at girlfriend sa loob ng walong taon na ikinagugulat ng marami ang kanilang hiwalayan.

Isa na namang istorya ang kumalat sa Facebook matapos binahagi ng isang netizen ang isang post tungkol sa isang lalaki na hindi nahanap ang kanyang "peace of mind" matapos ang 11 years na relationship. 

Sa post ni Alexander Co Dela Cruz Jr sinabi niya na walang mali na makipaghiwalay sa mga long time partners basta siguraduhin lang na hindi ito pinagsabay.

"So gentlemen, walang mali kung nanggaling tayo sa long-term relationship, nagkahiwalay tapos nagpakasal tayo agad sa bagong karelasyon natin, AS LONG AS HINDI NATIN SILA PINAGSABAY. Itama mo para lahat ng bagay, tama, para kakampi nyo pati ang tadhana,"post ng isang lalaki na nagngangalang Alexander. 

Ngunit binulabog ang isang post ng lalaki matapos nagcomment ang kaibigan ng babaeng iniwan ng lalaki na nagpakasal na sa bago niyang karelasyon. 



Sinabi ng kaibigan ng babae na sa 11 years na relasyon ng dalawa ay grabeng pasakit daw ang binigay ni Alexander sa kanyang girlfriend. Ilang beses na daw nagcheat ang lalaki sa kanyang kaibigan. 

"KAIBIGAN KO PO YUNG GF NYA FOR 11 YEARS AND GRABE PO TALAGANG SAKIT ANG BINIGAY NIYANG NAGPOST NA YAN SA KAIBIGAN KO. ILANG BESES DIN NAGCHEAT YAN AT PINAGBIGYAN SIYA. DI NA NIYA KAYA PAGSABAYIN KAIBIGAN KO AT SI ATE MO GURL KAYA INIWAN NIYA YUNG 11 YEARS AYUN MAS MAY PEACE OF MIND NA SIYA DBA. HAHAHA TAMA NGA NAMAN OKAY BLOCK ME NOW," komento ng kaibigan ng babae. 

Marami ang hindi natuwa sa nasabing post at nakatanggap ng iilang pambabatikos ang lalaki.




 Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

"Ano kayang pabango ang gamit nito?"

"Correction, pinagsabay!"

"Selfishness at its finest."

Paki off ng comments mo nakakahiya. Manloloko ka din pala. Inacca."

Source: facebook