Isang hot issue na na naman ang pinagkakaguluhan ng maraming netizen lalong lalo na sa mga kabataan ang tungkol sa usap-usapan na may relasyon nga ba si Donny Pangilinan at Maymay Entrata. 

Maraming mga tsismis ang kumakalat tungkol sa totoong namamagitan sa dalawang youngstars. May lumabas pa na bali balita na kaya raw itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon dahil may ka love team umano si Donny, si Belle Mariano. 

Diretsahan naman itong sinagot ng young actress at recording artist nang mag guest sa online show ng ABS-CBN na "Hotspot."

Agad naman itinanggi ng aktres na si Maymay na wala silang relasyon ng dalawa ni Donny Pangilinan. Sinabi niya na naging malapit silang dalawa dahil madalas silang magkasama sa iWant ASAP bilang mga host performers. 

Kasunod nito, dinedeny din niya ang naglalabasang mga chika na nagde-date sila ng kanyang ka-love team na si Edward Barber. 

“Isa ito sa assumptions, nang sa gayun ay ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man.


“Siguro nagsimula ‘yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. At doon yata may mga (video) clip na parang nami-misunderstood nila ‘yung mga galawan namin, ‘yung smile namin, na akala nila nagtitinginan. 

“Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero, hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz, wala,” paglilibaw ni Maymay.

Nagbigay din ng mensahe ang dalaga sa kanyang mga fans sa labis ang pagsuporta at pagmamahal at patuloy na kinilala siya sa industriya ng Showbiz. 

“Nagpapasalamat din ako sa lahat talaga ng mga fan na kumbaga kahit di ako nage-effort na pasayahin kayo, pinapasaya niyo ang sarili niyo. Joke, sorry!

‘Naa-appreciate ko ‘yon at natutuwa lang din naman ako. Pero para maging clear ang lahat hindi ako kay Donny. Wala pong kahit sino sa showbiz na in a relationship ako,” aniya pa.

Samantala, sinabi naman ng aktres na ang taong nagpapasaya ngayon sa kanya ay wala sa show business.

“Nabanggit ko na naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo. Hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz,” diin pa ng Kapamilya star at Pinoy Big Brother Lucky Season 7 big winner.

Bagamat hindi pa rin pinapangalanan, tahasang inamin ng aktres na si Maymay Entrata sa kaniyang onscreen partner na si Edward Barber na may nagpapasaya sa puso niya ngayon.

Sa finale episode ng digital show ni Edward na “Kwentong Barber,” lakas loob nitong kinumusta ang puso ni Maymay na minsan nang naibahagi ng aktres sa isang magazine interview. 


Naging totoo naman ang kasagutan ni Entrata na sinabing kahit hindi pa talaga siya nakakarekober nang tuluyan mula sa naramdamang sakit sa kaniyang nakaraan, ipinagmamalaki naman nito na masaya ang puso niya sa ngayon.

Source: bandera