Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang ika-38 na kaarawan sa Tali Beach sa Batangas ang aktor na si John Lloyd Cruz. Maliban sa kanyang mga kaibigan, kasama rin ni John Lloyd sa espesyal na araw niyang ito ang kanyang anak na si Elias. 

Kaugnay nito, sa isang ulat na ibinahagi ng ‘Bandera’, isang rebelasyon tungkol sa naging hiwalayan umano nina John Lloyd at dating karelasyon nito na si Ellen Adarna ang nabunyag ng isa sa mga kaibigan raw ng aktor.

Si John Lloyd ay maituturing na isa sa mga pinakamatagumpay na aktor o artista mula pa man noon hanggang ngayon. Kaya naman, hindi na rin nakapagtataka kung bakit napakayaman nito at nagmamay-ari ng kabi-kabilang mga property.

Samantala, hindi rin kaila ang yaman ni Ellen at ng pamilya nito sa Cebu. Ngunit, kahit na hindi naman umano ganoong nagkakalayo ang yaman ng dalawa, hindi pa rin umano boto ang pamilya ng aktres kay John LLoyd kaya marahil ay naghiwalay ang mga ito.


Ayon sa naturang kaibigan ng aktor, kahit ano umanong gawin ni John Lloyd ay hindi umano ito gusto ng pamilya ni Ellen para sa kanya. Hindi man ibinahagi ng dalawa ang tunay na rason sa likod ng kanilang hiwalayan, maaaring ito umano ang isa sa mga dahilan.

“Oo naman, hindi talaga. Hindi lang talaga boto ang pamilya ni Ellen kay John Lloyd kaya sila naghiwalay.  Kahit anong gawin niya (JLC), hindi siya gusto,” ang ani pa nga raw ng naturang kaibigan ng aktor. 

Kung matatandaan, parehong namahinga muna sa showbiz sina Ellen at John Lloyd noong 2017. Kontrobersyal ang naging relasyon noon ng dalawa at hindi rin pormal na inanunsyo ng mga ito ang tungkol sa pagbubuntis ni Ellen.

Gayunpaman, naghiwalay din kalaunan ang mga ito. Kamakailan nga lang ay nagbalik showbiz na si Ellen na karelasyon na rin ngayon ang aktor na si Derek Ramsay. Samantala, ikinatuwa naman ng marami ang muling pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd na hinintay ng marami matapos ang apat na taong pamamahinga.

Marami sa mga ito ang natuwa sa muling pagbabalik ng nag-iisang John Lloyd Cruz na nasa ilalim na ngayon ng management ng kapwa nito artista at malapit niyang kaibigan na si Maja Salvador. Si Maja ay mayroon na ngayong sariling talent agency, ang Crown Artist Management.

Samantala, isa rin sa mga mabuting kaibigan ni John Lloyd ay ang aktres na si Katrina Halili. Kamakailan nga lang ay nakabili umano si John LLoyd ng lupain na pagmamay-ari nito sa Palawan. Marami umanong lupain si Katrina sa Palawan at mayroon umanong nagustuhan sa mga ito si John Lloyd na pagtatayuan umano nito ng bahay bakasyunan. 


“Dalawang malaking cut ng lote ang nabili ni John Lloyd kay Katrina, hindi ko alam kung ilang square meters pero sa tantiya ko, abot siguro ‘yun ng P20 million…

“Nagpatayo ng glass house sa itaas ng bundok sa El Nido si John Lloyd, malaki ang property niya ro’n.  Patapos na ‘yung main house,” kwento pa nga ulit ng isa raw sa mga kaibigan nina John Lloyd at Katrina tungkol dito.

Source: BANDERA