Presko at mainit init pa ang balita ngayon tungkol sa isang aktres na dating host ng Eat Bulaga na pinagkakaguluhan ng mga netizen ang kanyang ibinahaging post sa social media tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay ngayon.

Ibinahagi ni Ruby Rodriguez sa isang post na (ngayon ay deleted na) nang ipakita niya sa harap ng publiko ang kanyang bagong trabaho habang nakabase sa Los Angeles, California.

Ayon kay ruby, nagtatrabaho siya ngayon upang may maitustos sa mga anak niya. Hindi man nagbahagi ng iba pang detalye ngunit naka pin ang kanyang location ng Philippine Consulate General.

Kilala at alam ng marami ang aktres na ito na matagal na naging co host sa noontime show na Eat Bulaga. Lumabas na rin si Ruby sa ilang mga pelikula at teleserye na tinangkilik din ng karamihan.

Matapos nito ay lumipad si Ruby noong nakaraang taon kasama ang asawang si Mark Aquino at kanilang anak na si AJ papuntang United States upang muling makasama ang panganay na anak na si Antoinette Nicole. 

Ang programang Owe My Love, isang proyekto ni Ruby sa GMA at nakatakda sana siyang lumipad pabalik sa Pilipinas para sa lock-in taping subalit hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na makabalik. 


Hanggang kamakailan lang ay naging mainit na lang ang usapan sa social media nang ang aktres ay nagbigay ng update tungkol sa bago niyang trabaho na nagpahanga sa iilang mga netizen.

Sa kasalukuyan ay deleted na ang Instagram post ni Ruby, ibinahagi niya ang selfie habang nakasuot ng face mask at makikita ang office background ng umano’y pinagtatrabahuhan ni Ruby.

Nakalagay sa caption ng aktres ay “First day of new normal for moi #workinggirl #subwayislife.

Sa kanyang naging panayam sa GMA News, sinabi ni Ruby na nagtatrabaho siya upang may pangtustos sa kanyang anak na si AJ na mayroong dyslexia.

Sa comment section naman naman ng kanyang post ay bumuhos naman ang pagbati ng mga dating nakatrabaho ng aktres tulad nina Pauleen Luna at Rhea Santos. Ayon naman sa naiulat ng PEP, marami sa mga naging followers ni Ruby ang nagtataka sa kanyang pagkawala sa Eat Bulaga.

“Kaya pala hindi na siya nag Eat Bulaga. Titira na siya sa US,” ani ng isang netizen. “What I know is hindi siya umalis, inalis siya. I felt really bad nung nalaman ko. But I’m happy for her, “ komento naman ng isa.

Matatandaan na gumawa rin ng ingay ang aktres matapos ang kanyang naging intriga na sagot sa isang komento ng netizen noong September 2020 nang tanungin siya nito kung babalik pa ang aktres sa Eat Bulaga. 


“I miss you in Eat Bulaga, Ms. Rubs. Babalik ka pa ba? Sina Pia, Ryan, Allan K, Ryzza Mae nakakapitch in pero ikaw wala! Bat Ganon?

Sinagot naman ni Ruby ng, “sila tanungin mo.”

Maraming natanggap ang aktres na kung may chance pa ba na babalik ang aktres sa Eat Bulaga. Sinabi naman ng aktres na nasa Eat Bulaga lang talaga dahil hindi naman niya tuluyang sinarado ang pintuan sa programang ito.

Source: philstar