Hindi na rin bago sa marami ang katotohanan na hindi man lahat ay karamihan sa mga kalalakihan ay mas tumitingin sa panlabas na kagandahan ng isang babae kaysa sa panloob. Nakakalungkot man, ito rin kasi ang dinidikta ng lipunan.

Ngunit, kaiba ang lalaking ito na hindi nakinig at nagpaapekto sa mga mapanghusgang mata ng mga tao. Pinatunayan lamang nito na hindi lahat ay nagmamahal lamang ng mga sexy o payat na babae na maganda para sa paningin ng marami. 

Sa isang Facebook post ng seaman na si Jeto Guanzon, buong pagmamalaki nitong ibinahagi ang kanyang pagmahahal sa kanyang girlfriend na anito ay “malaki” at “plus sized” sa mata ng marami. Ani ni Guanzon, hindi umano ito rason para hindi niya mahalin ang girlfriend at magkaroon sila ng matibay na relasyon.

Dito, isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ni Guanzon kung saan aniya ay mahal nito ang nobya anuman ito at hindi nito papahintulutan ang sinuman na laitin ang kanyang girlfriend. Saad pa nga ni Guanzon,

“She's my girlfriend. She's the one I love. Yes she's Big. Yes she's plus size. Yes she has great curves. And Yes I love her. I just wanna tell you that not all men want party girls and sexy girls. I love her just the way she is. I feel like I'm a better man when I'm with her. And to whoever wanna bash her you gotta deal with me. Because she is always, always worth fighting for.”

Marami naman ang kinilig sa post niyang ito at humanga dahil sa pagmamahal na tunay ni Guanzon sa kanyang girlfriend. Ani ng mga ito, bihira na lamang umano ang mga ganoong klaseng lalaki na hindi nagpapa-apekto sa mga panghuhusga ng lipunan.


Taliwas din sa madalas na sinasabi ng mga mapanghusgang tao, sang-ayon ang marami na maganda at mukhang mayroong mabuting puso ang girlfriend ni Guanzon. Kaya naman, gaya ng maraming mga kababaihan ay ‘deserve’ umano nito na makatanggap ng totoong pagmamahal.

Dahil din dito kaya napapa “sana all” na lamang ang marami at humiling na lamang na sana ay makatagpo rin umano sila ng isang lalaki na handang tanggapin anuman ang kanilang pisikal na itsura; mataba o mapayat man sila sa mata ng lipunan. 


Heto nga ang ilan pa sa mga komentong iniwan ng mga netizen sa viral Facebook post na ito:

“Ganito dapat. Love knows no physicality including age, height, weight, and other stuff. It should be the personality, not the physicality.”

“Awww they look like a really cute couple. That's how it should be… A guy should love his girlfriend the way his woman is.”

“Ang swerte ni ate. Not that I think there is anything wrong with her. She's pretty and mukang kabog maksama.”



“It's great to know that there's still a guy like this who sees a woman just as she is. I mean, we are in a society where physical features are more valued than other beautiful things about a person. Well, not generally but most of the guys nowadays are.”

“I never believed that in this world, there has true love. But when I saw this, it has but not much. She is very lucky!”

Source: facebook