Kakaiba at talaga namang nakakatuwa ang trending na groom na ito matapos nitong mag-ala bride sa photoshoot ng kanilang kasal. Hindi kasi kagaya ng karaniwan, imbes na ang bride ay ang groom na ito ang animo’y mas naging sentro ng atensyon sa kanilang kasal lalo na sa mga kinunang larawan.

Sa ibinahaging Facebook post at mga larawan ng bride na si Sah Jimenez, maging ito ay hindi rin napigilang matawa dahil sa ginawa ng kanya na ngayong mister na si Ronnel Binuya. Nag-ala bride lang kasi ito sa mga kinunang larawan sa kanilang kasal kung saan, game na game din na umawra ang groom.

Ayon daw kasi sa groom, pangarap daw nito na maging isang bride! Kaya naman, maging ang mga groomsmen nila sa kasal ay nakiayon na rin sa trip ni Rommel. Imbes na ang bride at ang kanyang mga bridesmaids ang gumawa ng tipikal na mga poses sa kanilang mga wedding photos, ginawa ito nina Rommel at ng kanyang mga groomsmen.

“Ako lang ba yung may asawang ganito? Pati mga groomsman nya nadamay sa mga bet nyang shoot HAHAHAHAHA! Please sabihin nyo na hindi lang ako!!!” ang nakakatawang ani pa nga ni Sah sa kanyang post.

Masyado nga raw ginalingan ni Rommel ang pagiging bride sa naturang photoshoot kaya ganoon na lamang ang tawa at aliw ng mga netizen na nakakita sa kanilang mga larawan. Talaga nga namang good vibes ang hatid nito sa marami.

Dagdag ani pa ng ni Sah tungkol sa kanyang groom, hanggang ngayon ay tawang tawa pa rin umano siya tuwing nakikita ang kanilang mga larawan sa kasal. Pag-amin pa nga nito, mukhang mas magaling pa raw magpose sa kanya ang kanyang asawa kaya mukhang nahihiya na raw siya na magbahagi ng kanyang mga larawan.




“Tawang tawa rin ako sa SDE (same day edit). Talagang ginalingan nya!! Pangarap nya raw kasing maging bride. Nagulat ako sa mga eksena nya hahaha. 

“Bida bida!! Magaling pa sakin mag pose pose hahaha! Parang nahiya na ako ipost mga pictures namin, may nanalo na eh hahaha,” pagbabahagi pa ulit ng bride.

Ideya raw talaga ito ni Rommel na gusto umano ng kakaibang konsepto sa kanilang mga larawan. Hindi naman nabigo ang mga ito sa resulta na talaga namang bentang benta at nakapagbigay ngiti sa marami.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 17,000 positibong reaksyon lang naman ang naani ng naturang post at libu-libo ring nakaka-aliw na komento mula sa mga netizen. 

Karamihan sa mga ito ay hindi mapigilang matawa sa groom at humanga sa kakaibang konsepto na napili nito sa kanilang kasal. Kasabay din ng mga komentong ito ay ang mga pagbati para sa dalawa.



Heto nga ang ilan pa sa mga positibong komento na iniwan ng mga netizen sa naturang trending post:

“Nice! Very creative. Diversity is in! Can the wife pose, too, as the groom?”

“Reminds me of "It Started With a Kiss" wedding scene.”

“LOVE IT! You do you, man. Don’t mind the haters; inggĂ­t lang sila they’re not as bold and good-looking enough to pull this off.”

“I admire the groom and friends for being so game and fun!”

Source: facebook