Panibagong ingay na naman sa social media ang kumalat ngayon simula nang gumawa na naman ng mainit na headline ang isang customer sa isang kilalang fast food chain na Jollibee. 

Kumalat ang video ng isang customer matapos gumawa ng isang kontrobersyal na headline ang lalaki na nagngangalang Lucky Mercado tungkol sa iconic chickenjoy nito. 

Nitong Sunday lang, June 6, unang kumalat ang nasabing video ng lalaki na hinanap ang branch manager nito matapos kumain ng crispy fried chicken. 

Bago pa sila nagmeet ng customer, sinabihan ni Lucky na i-check ang fried chicken na ibinigay sa kanya ng mga food crew at sabay sabi ng, "Tina-try niyo ba pagkain ninyo?"

Patuloy pa rin si Lucky sa kanyang sinabi at sabay kagat sa chickenjoy at nakatutok lang sa kanya ang branch manager bago niya i-prank ito.

"Ang sarap! Sobrang sarap ng pagkain niyo," sabi ni Lucky Mercado sa mismong branch manager. 

Labis na lang napatawa ang branch manager ng at kitang kita sa video ang pag layo niya sa camera at ang pagkawala ng kanyang nervous. 


Grabe, kinabahan ako," sabi ng branch manager na tila klaro pa ang bakas ng kaba sa kanyang mukha. 

Sa end ng kanyang video, nagbahagi si Lucky ng kanyang opinyon tungkol sa kumakalat na isyu ng Jollibee na hanggang ngayon patuloy pa rin na umiikot sa social media. 


"Yung tao nga nagkakamali, bubuyog pa kaya," patawang sabi ni Lucky sa kanyang video. 

Sa kabilang banda, isang nag viral na video rin kaugnay rin sa isyu ng Jollibee.

Sa nasabing video, kitang kita ang pagka confuse ng isang food crew sa Jollibee matapos mag order ang isang kilalang TikToker na may TikTok handle na @lolliqueen o mas kilala bilang Lollipop Queen.

Sabi umano ng customer na gusto orderin nito ang pinakabagong Jollibee menu na “crispy fried towel” at sa naturang video, kitang kita ang pagkalito ng crew sa drive-thru.

Makikita sa mukha ng crew na inosente at parang walang kaalam alam sa ibig sabihin ng customer sa kanyang nais i-order.

Nang kumalat ang nasabing video, marami ang hindi natuwa sa ginawa ng TikToker. Hindi siya nakaligtas sa mga pambabatikos ng mga netizen sa kanya. Tinira siya ng mga negatibong mga komento. 


Sa Facebook, kalat na kalat ngayon ang isang 24-second clip ng nasabing TikToker at marami ang hindi natuwa sa kanyang pagiging insensitive. Ani ng marami hindi nakakatuwa ang napili niyang content para sa kanyang Tiktok video. 

Ang naturang video ay kasalukuyang bunura at ang nasabing TikToker ay inilagay ang kanyang account sa private setting.

Source: pinoyclan