Nito lamang Sabado ng gabi, ika-4 ng Hulyo, nabiktima ang aktres na si Kris Bernal ng hindi lamang ng isa kundi 23 pekeng booking ng food delivery na dumating sa kanyang bahay kahit hindi naman ito umorder.

Sa Instagram, inilabas ng aktres ang pagkakadismaya nito sa naranasang panloloko mula umano sa isang Jen Jen Manalo na siyang nagpadeliver ng naturang mga Grabfood orders sa kanyang bahay.

Noong una, umabot na sa 18 ang mga dumating na delivery rider sa bahay ng aktres ngunit nadagdagan ito ng limang iba pa. Ayon sa aktres, hindi biro ang halaga ng naturang mga pekeng order. Dagdag pa nito, hindi lamang siya ang biktima sa pangyayari kundi ang mga delivery rider din na naghahanapbuhay lamang.

“As of 7:03PM today, I got 18 (And, counting) random GRAB FOOD deliveries all addressed to my house, all from the same name: Jen Jen Manalo. Sadly the amount of the deliveries are of no jokes. Even 2 vans arrived at our house saying that I will be picked up.


“I’m not the only victim here but also the GRAB RIDERS na nag-seserbisyo lamang and went all the way here to deliver several orders. I really feel bad for the riders’ efforts. This thing has been prevalent lately,” ani pa nga ni Bernal.

Sa isang video na ibinahagi ng aktres, maririnig pa ang naturang Jen Jen Manalo kausap ang isang delivery rider at pinipilit nito na umorder daw si Bernal kaya ito daw ang dapat sisihin. Saad pa nito,

“Sila po ‘yung umorder. Pakisabi diyan kay Kris Bernal, tingnan niya ‘yung Messenger niya. May umorder lang din sa’kin at dalhin daw sa bahay nila… Ay nako, kuya, hindi ko na kasalanan ‘yan. Kasalanan ‘yan ni Kris Bernal!”


Ayon kay Bernal, wala siyang matandaan na atraso kanino man para gawan siya ng naturang panloloko. Kaya naman, wala umano siyang anumang ideya sa kung sinuman ang gumawa nito sa kanya. Ani niya pa sa isa nitong IG post,

“I neither have enemies nor did I offend someone. I have no idea who did this and I can’t remember any incident that triggered this to happen. All I know is I didn’t do anything wrong to someone for me to deserve this kind of treatment…” 

Kaya naman, kinabukasan ay dumulog ang aktres sa tanggapan ng NBI para ireklamo ang gumawa nito sa kanya. Ayon kay Bernal, gusto niyang bigyan ng hustisya ang ginawang panloloko ng naturang Jen Jen Manalo, o ng kung sinuman na nasa likod nito, hindi lamang sa kanya kundi sa mga delivery rider na din 

“Lahat naman gusto at the end of the day ay marami silang makuhang booking dahil diyan sila kumikita at ang liliit lang ng kita ng mga Grab drivers so gusto ko sila bigyang justice.


“Okay lang na naabala ako pero yung mom ko kasi naabala rin at siya yung kumakausap do’n sa Grab drivers kasi she wanted to protect me also. My mom is already a senior so ayoko na lumalabas labas siya pero naabala siya. 

“This is not just for me but for my mother and riders na naloloko,” pahayag pa ni Bernal.