Matapang na sinagot ng singer na si Angeline Quinto ang maraming mga tanong tungkol sa kanya sa isang vlog na ibinahagi nito kamakailan lang sa kanyang YouTube Channel.

Dito, naglaro si Angeline ng “Lagot o Sagot” kung saan, kinailangan niyang sagutin ang mga tanong na ibabato sa kanya dahil kung hindi ay kailangan niya namang uminom mula sa mga inumin na wala siyang alam kung ano na inihanda para sa kanya.

Ilang mga rebelasyon din ang naibahagi rito ni Angeline gaya na lamang ng pagiging galante nito sa kanyang mga dating nakarelasyon. Ayon sa singer, dahil sa kanyang pagiging mapagbigay ay nabigyan niya lang naman ng motor at kotse ang ilan sa mga dati nitong naging boyfriend. 

“Kasi alam niyo naman ako, diba? Mapagbigay akong tao. Sabi ko nga sa inyo, hangga’t may maibibigay akong tulong, eh syempre, jowa ko pa. ‘Pag jowa niyo, mahal ninyo… 

“Pero totoo na nakapagbigay ako ng motor [at] ng sasakyan… Totoo naman, eh bakit ko naman hindi sasabihin sa inyo. Iyon lang, share ko lang sa inyo. Nakapagbigay ako ng motor atsaka ng sasakyan,” pagbabahagi pa nga ni Angeline.

Inamin din dito ni Angeline na ayaw niya umanong makatrabaho si Erik Santos na makailang beses naiugnay sa kanya. Kung matatandaan, si Erik mismo ang umamin noon nang pagkakamabutihan nila ng kapwa singer.


Ayon kay Angeline ayaw niya umanong makatrabaho si Erik dahil palagi raw siya nitong pinagtitripan. Gayunpaman, hindi naman ibig sabihin nito ay ayaw niya na sa kapwa singer dahil ayon kay Angeline ay mahal naman umano nito si Erik kahit lagi nga siya nitong pinagtitripan.

Samantala, isang kwento rin ang naibahagi rito ni Angeline tungkol naman umano sa isang lalaking naka-date nito dati. Ayon kay Angeline, ito raw ang kanyang maituturing na worst date matapos na magpunta umano sila nito sa isang mamahaling restaurant ngunit, siya lang din pala ang pinagbayad ng natura nitong ka-date.

Pagkukuwento pa ni Angeline, masaya naman umano iyon noong una. Nagkukwentuhan pa umano sila nang umorder siya ng pagkain na ikinatuwa naman ni Angeline kasi mamahalin ‘yung restaurant. Ngunit, nang dumating na umano ang waiter, nagkatinginan lang daw sila ng ka-date at siya lang din pala ang magbabayad doon.

“May worst date ako na naranasan. ‘Yung alam mo ‘yung ang saya-saya naming pumunta roon, tapos order ako, eh mukhang mamahalin ‘yung restaurant. Saya! Kwentuhan kami… kinamusta niya ako. Syempre share-share ako ng buhay ‘ko… 

“Tapos nang dumating ang waiter, ano… tinginan kami! Sino ‘yung magbabayad? Tapos ako ‘yung nagbayad,” pagbabahagi pa nga ni Angeline.

Gayunpaman, mas pinili ni Angeline na huwag na lamang pangalanan ang naturang naka-date nito. Ngunit kahit na ibinahagi ni Angeline ang naturanng pangyayari, dahil hindi nga nito pinangalanan ang naturang lalaki ay kinailangang uminom ni Angeline mula sa mga inuming inihanda rito. 


Kaya naman, natatawang komento ni Angeline, sana raw ay hindi na lamang niya ikinuwento kung painumin lang din naman daw pala siya.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 100,000 lang naman ang nakapanood na sa vlog na ito ni Angeline matapos lamang ang ilang araw mula nang ibahagi niya ito sa YouTube. Patuloy pa itong dumarami pati na rin ang mga magagandang komento rito ng mga netizen.

Source: KAMI