Isang trending na trending chika na naman ngayon ang kumalat sa social media matapos ang naging mga pahayag ni Angeline Quinto tungkol sa mga dati niyang mga nakarelasyon. 

Sa kanyang Sagot o Lagot challenge, naibahagi niya ang isa sa kanyang mga naging karanasan sa kanyang mga naging past relationships.

Naikwento ni Angeline sa challenge na ito na nabilhan na niya ng motor at kotse ang ilan sa mga naging karelasyon niya. Naikwento niya ito matapos madulas sa kanyang pagbahagi tungkol sa kanyang mga karanasan. 

Biro pa ng singer-aktres na baka sa susunod ay bahay na talaga ang mabigay niya sa kanyang sunod na relasyon. 

Naitanong din sa kanya na kung nagpautang na ba siya sa mga ex boyfriends niya. Hindi ito diretsahang sinagot ni Angeline ngunit alam ng mga nakarelasyon niya noon na mapagbigay talaga ang aktres. 

Minsan na ring naibahagi ni Angeline na naranasan na niyang magbayad ng bill ng kanyang ka-date sa isang mamahaling restaurant.


Nagulat na lamang umano si Angeline nang lumapit sa kanila ang waiter at nagtinginan nalang sila ng kanyang ka-date na kung sino ang magbabayad sa bill. Sa pagkakataong iyon, si Angeline mismo ang nagbayad ng kanilang bill.

Matatandaan sa post ng singer-aktres sa kanyang Instagram account, marami ang nagulat at labis na nangamba para sa relasyon ng dalawa.

“Maayos tayong nag-umpisa. Bakit naman umabot sa ganito Pogs@eriksantos? Pasensya na ho Sir Raffy,” ani pa ni Angeline Quinto sa kanyang post.

Marami ang nagulat sa post ng isang aktres. Buong akala ng iba na maayos at payapa ang relasyon ng dalawa. Isa sa mga hinahangaang celebrity couple noon.

Ngunit, nabulabog ang lahat nang nalamang ‘biro lang pala ang lahat. Marmi ang natawa sa post ng aktres sa kanyang Instagram account sa ginawang pagrereklamo niya kay Erik Santos.

Matatandang dating magkarelasyon ang dalawa at isa sa mga hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz dahil sa parehong magka-vibes ang dalawa pagdating sa pagkanta. 

Marami din ang nakapansin at isa na dito ang kanyang dating boyfriend na si Erik Santos na naging blooming lately si Angeline at nabanggit niya may bago na siyang boyfriend nang nagkaroon sila ng serious conversation ni Vice Ganda sa programang It’s Showtime.


Sinabi ni Vice Ganda na may boyfriend na si Angeline at gusto niyang respetuhin si Erik sa Tawag ng Tanghalan bilang mga hurado sa nasabing segment. 

Nang tinanong naman siya ng mga hosts ng It’s Showtime, sinabi niya wala siyang microphone na hawak noon kaya hindi niya nasabi ang tungkol sa kanyang bagong boyfriend. 

Si Angeline Quinto ay isang sikat na singer sa bansa. Una siyang sumikat sa nang nanalo siya sa isang programa na pinamagatang Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. 

Source: KAMI