Isyung tungkol sa utang na naman ang nag trending ngayon sa social media na ibinahagi ng isang sikat na aktres at YouTuber ang kanilang conversation ng lalaking nangutang umano sa kanya. 

Sa isang post ni Donnalyn Bartolome sa kanyang Facebook account, nag post siya ng screenshots sa conversation nilang dalawa ng lalaki na nangutang sa kanyang ng halagang 1 milyon. 

Ipinaliwanag ni Donnalyn sa kanyang post na huwag na magpaloko sa taong ito dahil ipagkalat pa  niya sa mga tao na nakautang umano siya kay Donnalyn. 

Base sa conversation nila ng lalaki, nag chat lang umano sa kanya ng lalaki na manghiram ng Php 1M at nangako itong ibabalik agad sa hapon ang hiniram na pera. 

Kailangan daw kasi ng lalaki na mag show money dahil may kukuhain siyang sasakyan at para makuha niya kailangan niyang mag show money ng at least Php 6-8 M sa bank kaya nga lang kulang ang kanyang pera. 

Kampante naman ang YouTuber na pahiramin ito dahil nangako itong magbabayad agad bukas ng hapon out mga gabi na ng 7 pm. 

Ngunit ganito na lang ang kinahinatnan ng kanyang pagpapahiram ng pera. 

"Sobra kong naging helpful, sana alam mo kung gaano ako kabusy na tao, para malaman mo kulang isang milyon sa pagpapasakit mo sa ulo ko. *nanghiram siya ng BDO o need niya magwithdraw para ipasok niya sa bank account niya mismo."




"Ako pa naghahabol para matulungan ka, tapos ganun lang gagawin mo. Yung bank closing na, nakahiya antagal mo magreply habang naka standby yung magtransfer, ako contact so ako nakakahiya. Dapat hinayaan ko lang dito palang eh."

Samantalang ngayong araw lang ay naglabas naman ng statement ang girlfriend ng lalaki na nangutang ng isang milyong piso kay Donnalyn at binigyang kalinawan ang lahat dahil ayon sa kanya, ang  post ni Donnalyn ay masyadong one sided. 

Sa post ng girlfriend ni Jomar Lovena na si Veybillyn Gorens sinabi niya na paano nangyari na nangscam ang kanyang boyfriend na mismo si Donnalyn ay nag "SEENZONED" ni Jomar. 

"Nag message pa siya 2:30 am same day you posted to let you know na magde deposit siya ngayon sa bangko mo but what you did was SEEN his message then posted him at 6 AM. (without even including that sa post mo. LOL)" sabi ni Veybillyn sa kanyang post. 

"Using my name to fool people into lending him money??? FOOL??? Watch what you are saying. You are literally ruining this person's image…"

Kasunod pa nito ay nagpost na naman ang kaibigan ni Jomar na si Arius Ferolino na sinabi ring one sided lang talaga ang post ni Donnalyn.


"Unang una sa lahat pasensya na kaagad kung may kung may masabi man ako na hindi maganda or may matamaan dito sa post na to. Kasi hindi ko mapigilan eh. Kasi ang daming paratang ang nangyari at ang dami na din ang nagtatanong about sa issue. Yang "LODZ" na yan alam nyo naman kung sinong tinutukoy dito diba?"

Ipinaliwanag ni Arius na isa siya sa mga saksi at nandoon talaga sa mga pangyayaring iyon. Nilinaw din niya na hindi niya intention ang na mapansin. Nagpost siya dahil may alam siya sa mismong pangyayari. 

"Sa totoo lang nandun ako that time na namomroblema si Jomar na kung saan makahiram ng pera para doon  mapunan yung investment na gusto niyang gawin…"

Sinabi ni Arius na na scam umano si Jomar kaya ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para lang mapunan ang pangakong investment. 

Noong una kasi ay pinangakuan siya na hindi lang doble kundi triple ang kanyang matatanggap. 

Sa ngayon humihingi ng tulong ang mga kaibigan ni Jomar na sana'y malinis na ang pangalan ni Jomar at ipaintindi sa lahat na hindi talaga ganung klaseng tao si Jomar. 

Source: facebook