Kamakailan lang ay umugong ang isyu tungkol sa isang sikat na Tiktoker na si Hazel Grace Edep na nawalan ng cellphone na Iphone 12 Promax at matapos may nakapulot ng nawawalang cellphone ay sa araw na napagkasunduan ng dalawa na magkita sila para isauli na ang cellphone ay may nangyaring entrapment operation.

Kasalukuyang nakakulong ang lalaking nakapulot ng kanyang cellphone na nagngangalang Angelito Martin Amor na isang hamak na tricycle driver lamang.

Nitong mga araw ;ang ay umapela ang asawa ng biktima na si Lea Amor sa programang Raffy Tulfo in Action para humingi ng tulong upang malinaw na ang kasong ipinataw sa kanyang asawa na “ROBBERY EXTORTION” dahil umano sa paghingi nito ng 50K kapalit ng nawawalang cellphone. 

Isa ang programang Raffy in Tulfo Action na kinakapitan ng marami sa tuwing may mga pagkakataon na hindi patas ang naging pagkamit ng hustisya at sa mga sitwasyong masyadong isang side lang ang pinakikinggan at may karapatang makakuha ng karapat dapat na hustisya.

Kagaya na lamang ng isang nag trending na post sa Facebook ng isang babae na nagngangalang Netchelyn Arellano matapos humingi ito ng tulong sa programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa paghain niya ng reklamo laban sa kanyang partner. 

Sa post ni Netchelyn sa kanyang Facebook account, nanawagan siya na sana maibalik ang kanyang pera na nagastos sa bahay na mismong pinaghirapan niya. Sinabi niyang apat na taon niyang pinakain, pinainom at libreng WiFi pa. Kahit ilang beses na itong nagloko sa kanya ay tinatanggap pa rin niya ng paulit ulit. 

Ayon kay Netchelyn, ang pinaghirapan niyang bahay ay binenta pa umano ng kanyang partner na si Willie Fetalvero at tinangay pa nito ang perang pinag bentahan sa Cagayan de Oro sa bago nitong girlfriend.

Nagkaroon na raw sila ng kasunduan sa barangay na sa Barangay Pag Asa sa Imus na kahit 200K man lang ay maibalik sa kanya dahil kahit piso ay walang naipon si Netchelyn. 


Basahin ang buong post ni Netchelyn sa kanyang Facebook account:

#raffytulfoinaction 

Guys favor pls.

Pki parating kanya ibalik pera ko na tinangay nya ppuntang Cagayan  de oro, Brgy.Gusa sya Wilfredo A. Fetalvero. Malaking atraso sa akin ng taong iyan. Sa sobrang kakapalan ng mukha di na pwd esesin ng papel de liha. 

4 na taon kung pinalamon,libre wifi at may pang inom sinuportahan ko,kahit ilang beses nagloko pero pinatawad ko. Lahat ng sobra ay di maganda. Kaya nagsawa ako  kaya hiniwalayan ko sya. Di marunong tumulong sa partner nya, gusto nya kabig lng sya ng kabig.Tapos ung pinaghirapan kung ipagawa na bahay,pinaganda ay ebebenta lang nya ng ganun ganun lang at dala ang perang pinag bentahan sa Cagayan de Oro brgy GUSA sa bago nyang gf. Di nya inisip kung sino ang ang nagbayad ng monthly amortization at nagpagawa para maging tahanan. ANG KAPAL NG MUKHA MO. Nag permahan na tayo sa Brgy Pag Asa Imus na kahit 200k may maibalik man lng na pera sa nagastos ko. Ni ipon wala akong naipon ng dahil sa inyo. Wala kang bayag,gusto mo lng take ng take. Pero wag kang mag alala andto lahat ng mga resibo ko at ung pinirmahan mo sa brgy. Di kana nahiya,sa bagay wala pala sau yan. 

Sa taga brgy Gusa especially jan sa mga kapitbahay na tinutuloyan nya ngayon, ingat kau sa taong eto. 

Sir idol Raffy #raffytulfoinaction tulungan nyo po ako,maibalik lang kahit konti doon sa nagastos ko sa,bahay na pinaghirapan ko.


At ikaw Willie di kana nahiya kay capt.sa  penermahan mo sa brgy. Eto lng ibigay mo pera ko para pareho tayong manahimik. Benenta mo ng 550k,di sana malaki pa naibalik sau kung ung 200k binigay mo na sa akin.

Marami sa mga netizen ang nagpakita ng pagsuporta nila kay Netchelyn mula sa matinding panloloko ng kanyang partner. Hindi napigilan ng iilan na magbigay ng kanilang komento.

Heto ang ilan sa mga komento:

“msg. Mo ako Che alam na natin gagawin sa tao na yaan. Prepare all your docs.specially yoong penirmahan ninyo s Brgy. Send it to me asap. Nag usap n kami ng Bunso.”

“@sir #raffytulfoinaction pls p help nman po? Kawawa nman sa pinag hirapan nia. God bless you always sir raffyπŸ™πŸ™πŸ™”

“Grbenmn yan kala , mo madali mgtrbho ibang BANSA bsta ngwawaldas ng pera, pasarap sa buhay di nmn pla knyang pera winawaldas.”

Source: facebook