Natural lang sa mga celebrities at mga YouTube vloggers na makatanggap ng mga pambabatikos mula sa mga netizen. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi pinalampas ng isa sa mga sikat na YouTube vloggers na si Ivana Alawi ang mga pambabash sa kanya ng mga ilang mga netizen. 

Sa kanyang recent mukbang vlog, maraming mga negative comments ang natanggap ni Ivana Alawi. Komento ng isang netizen sa kanya, “mukhang panget to pag walang make up.” Ang puna ng netizen ay hindi inatrasan ni Ivana. Sa katunayan, sinagot pa niya ang komentong ito.

“I love myself. Wala akong magagawa sa’yo, day! Kung ito pangit sa’yo, okay!,” sagot ng YouTube vlogger.

Marami pang mga negatibong komento ang naglabasan sa ginawang recent vlog ni Ivana. May isa pang netizen ang nagsabi na maganda lang daw ang katawan ni Ivana ngunit hindi naman kagandahan ang mukha. Agad naman ito niresbakan ng vlogger at sabi niya, “Thank you! At least maganda ang katawan ko. I love you, you’re so sweet!”


Sinundan pa ito ng isa pang negatibong komento na nagsasabing, “Nagdamit ka pa? Maghubad ka nalang, bold star!”

"Ang bold star ay 'yung nagpapakita ng ano... Ako nagpapakita lang ako ng puwet tsaka bra. Naka-panty at bra ako, so hindi ako naghuhubad ng panty at bra. Masaya lang ako kapag nagbi-bikini, iba kasi talaga kapag nag-bold ka,” sagot ni Ivana.

Netizen: Hindi lahat bagay sa’yo!

Ivana: “Kung lahat ay bagay sa’kin, e ‘di wala nang natira sa’yo!

Sa kabila ng mga natanggap na pambabash ni Ivana, marami pa rin sa kanyang mga fans ang ipinapakita ang kanilang supporta at pagmamahal sa kanilang idolo.

Heto ang ilan sa mga naging mga komento ng mga fans ni Ivana na nagpapatatag pa umano ng kanyang loob sa likod ng mga pambabatikos sa kanya.

“PALABAN ANG IDOL KO ANG GANDA KAYA NYA AT MABAIT PA 🤗😘”

“Diko alam kong bakit may basher pa to. Sobrang bait nito eh🥺😍”

“Lahat ng blessings na kay ivana na lahat maganda sexy famous mayaman mabait hakot award na sino hindi maiinggit.? pero para sakin isang siyang inspirasyon sobrang bait na tao kaya pinagpapala.”

“Naku ivana inggit lang yan sa itsura mo sya ang pangit hindi ikaw❤️❤️❤️wag kang papaapekto sa mga ingitirang frog yaan mo sila 🤣🤣🤣”


Matatandaang pinagkakaguluhan noon sa social media ang isang kumakalat na post sa social media na photos ng mga aktres na sina Nadine Lustre at Ivana Alawi matapos ang nagbanggaan ang mga netizen sa nag trending na komento ni Dra. Belo. 

Sa isang blog post ng Fashion Pulis, ibinahagi ang dalawang photos ng aktres na tila kinukumpara ang dalawa kung sino ang mas nag stand out?

"Who wore it better: Ivana vs. Nadine Lustre?" caption ng Fashion Pulis sa post nito. 

Si Ivana Alawi ay isang Moroccan-Filipina actress, model at social media personality. Lalong sumikat si Ivana nang nagsimula siyang madiskubrehan ng maraming mga modeling agencies dahil sa malakas na aura at feature ng kanyang mukha pati na rin ang napakagandang hugis ng kanyang katawan. 

Source: facebook