Trending ngayon sa social media ang ibinahaging throwback video ng aktres at komedyanteng si Kiray Celis kamakailan lang. Laman lang naman kasi ng naturang video ang sweet moment nila dati ng aktor na si Derek Ramsay habang nasa beach.

Bentang-benta sa mga netizen ang pa-throwback na ito ni Kiray lalong lalo na ang mga hirit nito sa fiance ni Derek na si Ellen Adarna. 

“Sorry Ellen, nauna talaga ako,” ang natatawanga ni pa nga ni Kiray tungkol sa naturang video.

Dito, makikita si Kiray habang nakikipaghabulan kay Derek sa beach at sweet na sweet pa ang mga ito. Ang natura palang video ay kuha dati sa pelikulang pinagsamahan nila ng aktor noong 2016 na ‘Love is Blind’.

Sa pelikula, gumamit si Kiray ng gayuma para maging mas maganda ang tingin dito ni Derek. Kaya naman ganoon na lamang kasweet ang nakunang eksena ng dalawa sa throwback video na ibinahagi ni Kiray. Kasama rin nila dati sa pelikulang ito si Kean Cipriano at Solenn Heusaff na ex-girlfriend naman ni Derek.


Agad naman na nakuha ng post na ito ni Kiray ang atensyon ng marami na tawang-tawa rin sa hirit ng aktres. Dagdag biro pa nga ni Kiray dito patungkol kay Ellen,

“Ellen, una siyang naging akin. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

Mas lalo pang naaliw ang mga ito sa post ni Kiray nang maging ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Etopia ay napabigay din ng komento sa mapagbirong post ni Kiray. 

“Eheeemmm!” ang ani pa nga rito ng kanyang nobyo.

Hindi napigilan ng mga netizen na magbahagi ng mga nakaka-aliw na mga komento sa post na ito ni Kiray na talaga namang bentang-benta sa kanila. Ani pa nga ng karamihan sa mga ito,

“Ellen Adarna left the group!”

Kahit na nagbibiro lamang dito ang aktres, mayroon ding iba na sinabing kinilig din daw sila sa pa-throwback na ito ni Kiray habang ang iba naman ay napa- “Sana all” na lamang dito.

Sa ngayon, umabot lang naman sa halos isang milyon na ang nahahakot na views ng Facebook post na ito ni Kiray. Maliban pa ito sa halos 75,000 na iba’t-ibang reaksyon na naani nito mula sa mga netizen at libu-libo pang nakakatawang mga komento.

Heto nga ang ilan sa mga positibo at nakakatawang komentong ito na ibinahagi ng mga netizens:

“Hahahaha naka-ilang ulit din ako kakatingin! Natatawa ako, di ko alam kong nahihiya si Kiray o kinikilig!”


“Eto ‘yung movie na ‘Love is Blind’. One of my fav. Hehe ‘yung ending sila ni Kian nagkatuluyan!” 

“Hahaha ang cute kakakilig! Parang totoo Kiray hahaha may spark! Ayiee pinaalam mo ba ‘yan kay jowa hihi!”

“Kahit ilang beses ko ‘to napanuod, tawa pa rin ako at ramdam kilig mo kay Derek. Tuwang tuwa ako sa’yo sa movie na ‘yan. Ganda ng pagka-portray mo as Solenn. I found this movie to be really cute talaga. Ang cute mo talaga dito sa movie na ‘to!”

“Panis si Ellen. Di talaga mahihigitan. Walang habulan sa dagat sila Ellen!”

Source: facebook