Kahapon lamang ay nagkagulo ang buong online community nang lumabas ang balita na kumpirmadong hiwalay na sila ni Kylie Padilla at Aljur Abrenica matapos ito kinumpirma ng ama ni Kylie na si Robin Padilla. 

Para bigyang linaw ang kumakalat na isyu, mismong si Robin Padilla na ang nagpaliwanag sa buong detalye para sa ikatatahimik ng lahat. 

Ayon sa action star, hindi raw siya nangingialam sa marital problems ng kanyang mga anak lalong lalo na pagdating kay Kylie dahil alam niya na sina Aljur lang at ng kanyang anak ang makakapagbigay ng solusyon sa kanilang problema. 

Sa chikahan na naganap sa pagitan nila ng talent manager at vlogget na si Ogie Diaz, nabanggit minsan ng aktor na napag-usapan umano nina Kylie Aljur ang tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur. 

Tinanong ng talent manager kay Robin na kung paano niya hinarap ang isyung hiwalayan sa pagitan ni Aljur at ng kanyang anak. 

"Wala, wala namang...una, walang sinasabi yung anak ko.

“Noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, ‘Agrabyado ka ba?’ Hindi naman daw, ‘Okay lang ako, Pa.’

“Ito, noong tinanong ko siya ulit, ‘Anak, agrabyado ka ba?’ ‘Hindi, Pa, ako ang nakipaghiwalay, e,'” pahayag ng aktor.

Sinabi ng aktor na kailanman ay hindi talaga siya nanghihimasok sa relasyon nilang dalawa ni Kylie at Aljur lalong lalo na sa personal na problema ng mag-asawa. 

Wala namang papel ang tatay doon, ako, ha. Ibig kong sabihin, hindi ka dapat makialam kahit na sa away ng mag-asawa ‘yon, e, may mga anak pa.

“Ang sakit, siyempre, sa akin. Siyempre, (babae ang anak ko) at saka nasa akin ang remembrance, e. Naiwan yung…yung mga apo (Alas Joaquin at Axl Romeo) nasa nanay.

“Pero hindi yun ano, hindi isyu yun. Siyempre, walang sakitan ng pisikal. Ako, yun lang naman ang sinabi ko kay Aljur, e,” aniya pa.

Hirit naman ni Binoe tungkol sa chikang may third party involved raw, “Meron daw, e. E, kaimposiblehan ba ‘yon? Hindi yun kaimposiblehan. ‘Yun ang sinasabi ko kay Kylie, lalaki ‘yan.”

Ngayon lamang ay kumalat ang isa na namang balita na isang aktres ang tinutukoy na dahilan ng paghihiwalay nila ni Kylie at Aljur. 


Agad sinagot ng aktres na si Cindy Miranda ang mga panay nag komento sa kanyang post na siya ang tinutukoy na third party. 

"Sana pure work lang kayo. Wag ka sana manira ng pamilya," komento ng netizen. 

Yes. Very professional. "I’m not the third party. Thanks," sagot ni Cindy sa netizen. 

Nadawit ang pangalan ni Cindy Miranda dahil si Aljur ang kanyang leading man sa pelikulang Nerisa. 

Ngunit sa kabila ng mga rumors na kumakalat, for the record, hiwalay na sila ni Kylie at Aljur nang mag-umpisa ang shooting ng Nerisa kaya klarong klaro na hindi si Cindy ang dahilan ng kanilang hiwalayan. 

Ang kumpirmasyon ni Robin na nagwakas na ang pagsasama ng kanyang anak at ng manugang ang dahilan ng kaliwa’t kanang pagbatikos kay Aljur.

Matatandaang sobra ang paghanga ni Cindy kay Aljur dahil sa galing nitong gampanan ang kanyang karakter sa pelikulang Nerisa. 

LOCAL NEWS

Kylie Padilla leaves Aljur Abrenica after confirmed third party

CELEBRATIONS

Panoorin ang very touching performance ni Martin Nievera para kina Ara at Dave!

VIDEOS PA MORE DITO!

VIDEOS

PEP ALERTS  CABINET FILES

Cindy Miranda itinangging siya ang third party sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

by Jojo Gabinete

3 HOURS AGO

Cindy Miranda on Nerisa leading man Aljur Abrenica: "First time kong makatrabaho si Aljur pero very professional po siya. Feeling ko, very safe ako so wala pong naging problema sa [aming] love scene." PHOTO/S: VIVA FILMS / @CINDYMIRANDA ON INSTAGRAM   

"I’m not the third party. Thanks."

Ito ang polite na sagot ni Cindy Miranda sa mga nagkokomento sa kanyang Instagram account at mula sa mga taong mali ang akala na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Kapamilya actress na may love child, third party sa hiwalayang Aljur at Kylie?

Nadawit ang pangalan ni Cindy sa isyu dahil si Aljur ang leading man niya sa pelikulang Nerisa.

Napasabay sa virtual media conference ng pelikula kahapon, July 8, ang pag-amin ni Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie at ang manugang niya.


Si Cindy ang titular character sa Nerisa.

Para sa pelikula ang presscon at wala itong kinalaman sa personal na buhay ni Aljur, kaya paulit-ulit pinaalalahanan ang entertainment writers na hindi pwedeng magtanong tungkol sa pribadong buhay ng mga artista.

For the record, hiwalay na sina Kylie at Aljur nang mag-umpisa ang shooting ng Nerisa kaya abswelto si Cindy, na biktima ng mistaken identity dahil hindi siya ang third party na tinutukoy ni Robin.

Ang kumpirmasyon ni Robin na nagwakas na ang pagsasama ng kanyang anak at ng manugang ang dahilan ng kaliwa’t kanang pagbatikos kay Aljur.

Pero puring-puri ni Cindy ang aktor nang magkasama sila sa lock-in shoot ng Nerisa sa Alabat, Quezon.

Lahad ni Cindy, “First time kong makatrabaho si Aljur pero very professional po siya. Feeling ko, very safe ako so wala pong naging problema sa [aming] love scene.

“Nailang po talaga ako noong una, but he made sure na you’re safe with me. [He’s] very professional.”

“Sobrang nakaka-relate kay Nerisa. Parang ang feeling ko, idol ko si Nerisa nung nabasa ko yung karakter kasi ang tapang-tapang niya.

“Gusto kong maging ganoon po lalo na siguro pagdating sa love, yung lahat gagawin mo talaga para sa pagmamahal mo.

"At nakaka-inspire yung karakter ni Nerisa kaya sinabi ko po this movie is more than just the sexy scenes," dagdag pa ni Cindy. 

Source: PEP