Pinag-uusapan ngayon ang panibagong upload na vlog ng aktor na si Luis Manzano sa kanyang Lie Detector Challenge kasama ang dalawang stars na si Wacky Kiray at Agbayani. 

Sa kanilang Lie Detector challenge, tinanong ni Agbayani si Luis na kung sino sa kanyang mga naging girlfriend ang pinaka tumatak sa kanya at nag iwan ng marka sa kanyang puso.

Hindi nagdadalawang isip ang aktor sa kanyang naging sagot. Sinabi niya umanong ang pinaka tumatak sa kanyang puso ay ang kanyang dating naging girlfriend, Jessy Mendiola na ngayon ay kanyang asawa. 

Sinabi niyang nagsimula siya sa wala at tila wala talaga siyang maibubuga kay Jessy sa panahon nang nakilala niya ang kanyang asawa. 

Ang pinaka-tumatak sa akin ay kung sino na yung hinarap ko sa altar at nangako ako sa Diyos. Kumbaga start from scratch ako,” sabi ni Luis.

Mas napatunayan pa talaga ni Luis na hindi siya nagsinungaling nang napansin nilang tatlo na hindi tumunog ang Lie Detector toy. 


Kasunod naman nito, tinanong ni Luis si Wacky Kiray kung nahuli na ba siya ng kanyang partner na may ginawang kalokohan.

Sinabi naman ni Wacky Kiray na hindi at confident na confident si Wacky na hindi talaga. At sobrang natuwa naman siya na sumang-ayon sa kanya ang kanyang Lie Detector toy. 

Nagkatuwaan ang tatlo at hanggang sa tinanong si Agbayani ni Luis na kung nagbabago ba siya ng pangalan sa tuwing gumagamit siya ng bagong phone number. 

Paimik namang sumagot si Agbayani ng hindi ngunit sinabi niya na minsan ay nasubukan niya ngunit medyo malayo sa sitwasyon sa tinanong ni Luis. 

Si Luis Manzano ay isang aktor at isa sa pinakasikat at in-demand na Television hosts. Anak siya ng batikan na aktres na si Vilma Santos at batikang aktor na si Edu Manzano. 

Marami ang sumabaybay sa relasyong Jessy Mendiola at Luis Manzano at marami din ang hindi sang-ayon sa naging relasyon ng dalawa. Ilan sa mga naging komento ng mga netizen ay hindi raw tama ang ginawa ni Jessy.


Sa isang recent vlog ni Jessy kasama ang kanyang husband na si Luis Manzano, sinagot na nila ang mga “mean comments” tungkol sa kanila online.

Matatandaang nagkaroon ng relasyon si Luis Manzano at Angel Locsin bago naging sila ni Jessy Mendiola. Naging kontrobersyal din ang hiwalayan ng dalawa dahil umano sa nangyaring third party. Ngunit itinanggi naman lahat ni Angel ang lahat ng mga rumors sa kumakalat na dahilan.

Source: KAMI