Lahat ng tao ay ginawa na kawangis ng Diyos. May kasabihan nga na walang pangit na tao ang ginawa ng Poong Maykapal. Kaya nga, dapat tayong magpasalamat sa Diyos na ginawa tayong buo, kumpleto at presentable. 

Ngunit dahil sa mataas na standard ng society, marami sa mga tao ang nabuo ang kanilang mga insecurities na naging dahilan ng pagpaparetoke. 

Sa mundo ngayon, hindi na talaga makikilala ang isang tao kung ito ba ay hindi dumaan ng isang pag retoke o sadyang isinilang lang talaga na gwapo at maganda. 

Maraming hindi sang-ayon sa mga ganitong proseso ng pagpapaganda dahil sa paraang ito, para raw na nagpapakita tayo na hindi pa tayo kuntento sa kung ao ang meron tayo. 



Katulad na lamang ng pinagkakaguluhan naman ngayon sa social media ang pagpaparetoke ng isa sa naging trending na influencer ngayon na si Mother Sitang. 

Matatandaang kumalat sa internet ang mga bagong photos at videos ni Mother Sitang matapos ang kanyang pagpaparetoke. 

Sa TikTok unang nagsilabasan ang kanyang mga photos at videos na naging viral ang mga kaganda gandang photos niya matapos ang pagpaparetoke. 

Dating kinawiwilihan si Mother Sitang, isang sikat na transgender sa Thailand dahil umano sa naiiba niyang itsura sa karamihan at ang pinasikat niyang hair-flipping dance craze. 


Ngunit nitong nakaraan at pagkatapos niyang bumisita sa bansa at sinalubong ng mga Pinoy nagkaroon ng isyu itong si Mother Sitang kaya naman ang dating kinawiwilihan ng mga Pinoy Netizens ay napalitan ng bad image dahil sa ginawa niya sa isang Pinoy manager na nag-handle sa kanya dito sa Pinas.

Dahil dito, unti-unti nang nanlaos si Mother Sitang dahil sa naging bad image niya at marami na siyang natanggap na mga negatibong mga komento mula sa mga netizen. 

Ngunit, si Mother Sitang ay hindi gustong malaos ng kung ganun ganun na lang, kaya laking gulat na lang ng marami nang isinapubliko na ni Mother Sitang ang kanyang bagong mukha matapos ang pagpaparetoke. 

Fresh at looking young ang bagong Mother Sitang na pinagkakaguluhan ng karamihan sa social media. 



Marami mang mga negatibong komento ang natanggap ni Mother Sitang ngunit ang lahat ng ito ay hindi niya pinansin. Basta't para sa kanya ay masaya siya sa kanyang naging desisyon na magparetoke at mas tumaas pa lalo ang kanyang confidence. 

Kahit marami ang hindi sang-ayon sa pagpaparetoke, hindi naman natin madidiktahan talaga kung ano ang nais ng isang tao. Kung nais niyang magpaganda sa kanyang sarili, hayaan na lang. Ang importante ay wala silang inaapakan na tao sa kanilang naging desisyon. 

Source: thepader