Kamakailan lang ay umugong ang isyu tungkol sa isang sikat na TikToker na si Hazel Grace na nag viral ang kanyang post sa TikTok tungkol sa pagkawala ng kanyang cellphone at handa siyang magbigay ng gantimpala sa sinumang nakapulot at makapagsauli ng kanyang cell phone. 

At nitong nakaraang araw lang ay may lalaking nakapulot ng kanyang cellphone na nagngangalang Angelito Martin Amor. Nagpakita si Hazel kay Martim para kunin yung cellphone at ibinigay naman daw ang pinangakong reward. Ngunit nang tinanggap na ng lalaki ang reward, agad siyang pinusasan at sentence to prison daw dahil sa  'ROBBERY EXTORTION'

Kasunod ng pangyayaring ito, nagpost ang kapatid ni Martin at sinabi niya rito na isang hamak lang na tricycle driver ang kanyang kapatid na nagmamalasakit lang kay Hazel. 

Ngayong mga araw lang ay umapela ang isa sa mga kamag-anak ni Martin at nanghingi ito ng tulong sa mga tao na sana'y mabigyang linaw ang kasong ipinataw sa lalaking nakapulot sa kanyang cellphone. 

Ayon sa mga ulat, ang nasabing tricycle driver na nakapulot ng cellphone ni Hazel ay may kasama itong dalawang pang kaibigan at sumakay sila sa taxi nq kung saan umano dito nakita ang nawawalang cellphone ni Hazel. 

Nang napulot na nila ang cellphone, agad nag text yung may ari  sa mismong cellphone niya para kumustahin at nakikiusap na isauli na yung cellphone. 

Hanggang sa nag text daw ang may ari ng cellphone na handa siyang magbigay ng 7K para magsilbing reward sa nakapulot ng kanyang cellphone. 

At yun na nga, nagkaroon ng arrangement ang dalawa na magkita sa kanilang napagkasunduang  lugar at dito ay may entrapment na nangyari.



Sa programang Raffy Tulfo in Action, umapela misko ang asawa ni Martin na si Lea Amor para mabigyan ng eksaktong hustisya ang kanyang asawa na ngayon ay kasalukuyang nakakulong.

"Pag uwi po niya ng hapon, sabi po niya may napulot pos silang cellphone. Pauwi na po sila galing sila ng...Bumili kasi sila ng karaoke," sabi ni Lea Amor.

"Pagsakay po nila ng taxi, doon po nila nakita yung cellphone," dagdag pa ni Lea. 

Ayon sa asawa ng nakapulot ng cellphone, ang cellphone na nakita ng kanyang asawa at ng mga kaibigan nito ay isang Iphone 12 Promax.

Nagkaroon na daw ng pag-uusap ang dalawa sina Hazel at ang isa sa mga kaibigan ni Martin na nakapulot ng cellphone na si Jomar para sa proseso ng pagsauli nito.

Ayon kay Jomar, noong nakausap nila si Hazel ay naka loudspeaker ito kaya dinig na dinig nila at sa lahat na nasa loob ng bahay ang kanilang usapan.

Aminado naman si Jomar na tinanong niya umano si Hazel na kung magkano ang reward na ibibigay niya sa mga nakapulot ng kanyang cell phone ngunit hindi nagbigay ng figure si Hazel kung magkano ang ibibigay niya. 

Ngunit sinabi naman ng kaibigan ni Angelito na interesado sila sa magkano ang maging reward nito dahil bago lang nakalabas sa ospital si Angelita dahil sa mild stroke at gagamitin nilang pantulong kay Angelito kung magkano ang ibibigay na reward.

Papunta na sana sila sa lugar na kung saan ang napagkasunduang lugar, walang text o tawag kung matutuloy ba ang kanilang usapan kaya napagdesiyonan na lamang nila na si Angelito na ang magdadala ng phone dahil lowbat na din ang cellphone ni Hazel. 

Sa 7/11 daw napagkasunduan ng dalawa na magkita sila para doon na isauli ang cellphone. Nobyo ni Hazel ang tumanggap ng kanyang cellphone. 

Kwento ng kanyang asawa, pagkahawak umano ni Angelito sa pera ay bigla na lang nagsidatingan ang mga pulis at pinosasan na umano ang kanyang asawa.


Ayon kay Lt. Gaudencio Catapang, Chief Operation Section, CDG NCR, may pananakot daw na sinabi ang mga kaibigan ni Angelito kay Hazel. 

Sinabi raw na maliit lang yung 7K dapat 50K daw ang dapat na maging reward.

Ngunit nilinaw naman ito ng programa na hindi naman nagpumilit si Angelito na manghingi ng 50K at kapag hindi nabigyan, hindi na isasauli ang cellphone ni Hazel. 

Panoorin ang buong video dito!