Ibang nakakakilig na namang istorya ang kinagigiliwan ng maraming mga netizen ngayon. Talagang mapapa "Sana all ka na lang sa mga kumakalat na posts sa social media ngayon. 

Maraming mga couples na ang nag post ng kanilang mga "Sana all moments kasama ang kanilang minamahal sa buhay. 

Sa katunayan, iba't ibang mga estilo ang ipinapakita ng bawat couples upang maipadama ang kanilang pagmamahal sa kanilang minamahal.

Katulad na lamang sa nag viral na post ngayon ng isang sikat na child star noon na ngayon ay masayang ibinahagi sa publiko ang kanyang engagement. 

Mainit init pa ang post ni Serena Dalrymple matapos ipinakita niya sa publiko ang mga photos nila kasama ang kanyang boyfriend na foreigner. 

Sa post ni Serena Dalrymple sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang photo nilang dalawa ng kanyang fiancé sabay may caption na, "Happy anniversary! I love you forever!"


Marami sa mga kapwa niya aktres ang naging masaya sa balitang engagement ni Serena. Ilan sa mga kapea celebrities niya ang nagkomento ay sina Pauleen, Camille Prats na sabay nagkomento ng "Congratulations."

@camilleprats: Congratulations baby girl!!!!

@pauleenlunasotto: Congratulations!!!

Marami rin sa mga netizen ang natuwa nang ipinakita ni Serena sa publiko ang kanyang diamond ring sabay kiss sa kanyang boyfriend na si Thomas Bredillet. 

Si Serena Dalrymple ay tinaguriang "child wonder" ng Showbiz taong 90's. Lalong sumikat nang lumabas siya sa isang commercial tungkol sa fast food chain. 


Ilan sa kanyang mga sikat na pelikula na nakilala siya ay ang mga Bata, Bata Paano ka Ginawa?, Ang Tanging Ina, Daddy O, Baby O. 

Kasalukuyang nasa New York si Serena ngayon kasama ang kanyang long time non-showbiz boyfriend. 

Source: facebook