Marami ng mga pakulo ngayon sa social media ang kinagigiliwan ng mga tao na ginagawa na rin ng marami ngayon. Ang mga pakulong ito ay tungkol sa mga tinatawag nating relationship goals. 

May mga pangyayari na kakaiba ang kanilang pagpapakita ng pagmamahal sa taong gusto nilang makasama  habang buhay. Ang iba ay wala ng pakialam sa kanilang ginagawa sa publiko para lang isigaw sa buong mundo na mahal nila ang isang tao. 

Kagaya na lamang ng natuklasan natin noon na isang proposal sa kalagitnaan ng live selling.

Isa ka rin ba sa mga mahilig bumili online at manood ng live selling?  Isang video ang nagpakilig sa online community matapos sa biglaang proposal ng kasintahan nito sa kalagitnaan ng live selling.

Sa Facebook live ni Rienz Crystal Viernes, abalang abala siya sa pagtitinda ng mga ladies shirt, dresses, denim shorts, tokong at kids wear. 

Sa sobrang abala niya sa pagli-live selling, hindi niya agad napansin ang kanyang kasintahan sa likuran.

Makikita sa Facebook live na biglang lumitaw at lumuhod sa kanyang likuran ang kanyang kasintahan na si Josephous Sumaylo Ramas.

Hindi agad napansin ni Rienz ang kanyang kasintahan dahil naka focus siya sa pagtitinda at pagtingin sa mga comments ng mga nag mi-mine.


Nang makita ito ni rienz ang kanyang pinakamamahal, labis ang pagkatuwa niya at halatang nasorpresa siya sa kanyang paglingon.

“Will you marry me?” nakangiting tanong ni Josephous.

Agad naman sumagot si Reinz ng “Yes!”

Kasunod nito ang bumabahang komento at mga nakakatuwang mensahe  ng mga taong nanood sa kanyang live selling.

Marami ang kinilig sa nakapanood ng live selling ng isang dalagita na hindi akalain na may mangyayari pala na hindi niya inaasahan. Ang ganitong klaseng proposal ay hindi na bago sa lahat. Ngunit para sa mga taong nakapanood, iba pa rin ang feeling ng ganito.

Ngunit kakaiba ang nasaksihan ng isang netizen nang aktong nakuhanan niya sa kanyang video ang isang lalaki na kinausap ang kanyang jowa. Nag propose ang lalaki ngunit kitang kita sa video ang pagtanggi ng kanyang girlfriend.

Hindi ito pinakinggan ng kanyang nobya. Marami ang nakasaksi sa ginawang pag walkout ng babae sa kanyang nobyo. Masasabi na hindi na niya mapapatawad ang kanyang nobyo. 

Hindi man lang nagsalita ang babae at parang galit na galit ito sa kanyang nobyo na kahit pilit hinahawakan ng kanyang nobyo ang kanyang kamay, gusto pa rin niyang bumitaw. 


Sa panahon natin ngayon, hindi madali ang maghanap ng tao na talagang mamahalin ka habang buhay. Kahit maraming mga tao ang nagpapakita ng interes sa atin, iba pa rin kapag may isang tao na tatanggapin tayo kahit ano at sino pa tayo.

At hindi rin sa kung gaano kayo katagal sa isang relasyon ay kayo na talaga magkakatuluyan sa huli kundi kung gaano kayo katibay sa isa't isa sa gitna ng mga pagsubok.

Panoorin ang buong video dito!