Sa pag-ibig, dalawa lang talaga ang pwedeng kahahantungan niyan. Maaaring ikaw ay maging masaya o uuwing luhaan. Sa isang relasyon, kailangan talaga ang matibay na pundasyon para maging mas maganda pa ang takbo ng relasyon.

Sa kasalukuyan, laganap na ngayon ang isyu tungkol sa cheating at mga third parties. Hindi na bago sa a tin na makarining ng mga ganyang klase ng mga pangyayari. 

Sa isang vlog ng isang sikat na aktres na si Jessy Mendiola kasama si Crisha Uy para sa kanilang "Spill or Drink" challenge, nagkaroon ng medyo malalim na usapan ang dalawa. 

Sa kanilang vlog, napag-usapan nila ang topics na tungkol sa cheating at second chances. 

Nang tinanong nila ang isa't isa tungkol sa kanilanh opinyon kung nararapat bang bigyan ng second chance ang taong minsan nang nagkamali sa'yo, sinabi ni Jessy na "used to" samantalang sabi naman ni Crisha na naniniwala siya sa mga second chances. 


"I used to, well actually I still do. "Kami ni Luis, last year, before we got engaged, we broke up," sabi ni Jessy. 

"If siya talaga yung para sayo, the universe and God will find a way na maibalik talaga siya para sayo," dagdag pa ni Jessy. 

Samantalang sa ibang parte, namention naman ni Crisha ang pagbibigay ng second chances sa families ang friends na kahit mismo ang pamilya pa o kaibigan ang nakagawa ng di magandang bagay, deserve pa rin nila ang second chance. 

"Kahit sa family and friends. Kasi syempre, everyone deserves a second chance. 

"Lalo na nagkamali siya nung una, so malay mo gusto niyang itama yung mga maling bagay tsaka lahat naman ng tao nagbabago," sabi ni Crisha.

Ngunit nang tinanong silang dalawa kung paano kapag ang mismong boyfriend o girlfriend ang nagcheat na kung mapapatawad pa ba nilang dalawa. 

Parehong sinabi ng dalawa na hindi nila kayang bigyan ng second chance ang taong minsan silang minahal at nag cheat sa kanila. 

"No talaga ako, once you've cheated," sinabi ni Jessy kay  Crisha at sumang-ayon naman siya nang sabihin ni Jessy na "Game over." 


Si Jessy Mendiola ay isang kilalang aktres at endorser na lalong sumikat sa kanyang "Maria Mercedes" at "Budoy" na teleserye. Si Jessy Mendiola ay bago lang kinasal sa isang sikat na TV host-actor na si Luis Manzano. 

Marami sa kanilang mga followers ang labis ang pagkagulat nang sinabi nila sa publiko na officially mag-asawa na sila matapos ang announce ng kanilang wedding noong February 26.

Panoorin ang buong video dito!