Kamakailan lang, marami ang nagulat at naintriga sa sunod-sunod na Facebook posts na ibinahagi ng vlogger na si Donnalyn Bartolome kung saan, ibinunyag nito ang ginawa umanong panloloko sa kanya ng isang tao na humiram dito ng pera.

Hindi man pinangalanan ni Donnalyn ay agad na naghinala ang marami na ang kapwa content creator nito na si Jomar Lovena ang kanyang tinutukoy rito na ‘lods’ na humiram umano sa kanya ng Php1Million na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya binabayaran.

Ayon kay Donnalyn, hindi naman umano sila ‘close’ ng taong ito at nakapag-picture lamang daw ito sa kanya dati ng isang beses. Ngunit, nang i-message siya nito para humingi ng tulong ay walang pagdadalawang-isip na tumulong dito ang vlogger.

Dito, ang hinihinalang si Jomar ay nanghiram kay Donnalyn ng Php1M na gagamitin lamang daw sana nitong ‘show money’ para sa bibilhin niyang sasakyan. Pinangakuan nito si Donnalyn na ibabalik agad ang pera kinabukasan ngunit, mahigit isang linggo na ang lumipas ay walang natanggap na pera si Donnalyn.

Kalaunan ay humingi ito ng tawad kay Donnalyn dahil napasama umano ang perang hiniram niya rito sa isang scam kung saan umano ito nabiktima. Panay ng paghingi nito ng tawad sa vlogger ngunit, nasira na nito ang tiwala ni Donnalyn na hindi na rin alam kung papaniwalaan ba ang sinasabi nito na nabiktima lamang daw si ‘lods’ ng scam.


Samantala, sa isang video naman na ibinahagi ng social media personality na si Xian Gaza, ibinunyag nito na ang ‘lods’ na tinutukoy rito ni Donnalyn ay si Jomar nga. 

Ayon kay Xian, wala naman umano siyang kinalaman sa naturang isyu ngunit, maging siya umano kasi ay nilapitan din ng mga kakilala ni Jomar para makautang sana ng pera para tulungan ito sa kanya ngang mga pagkakautang, kabilang na ang utang nito kay Donnalyn.

Dagdag kwento pa ni Xian, ayon daw kasi sa kwento sa kanya ay nai-scam nga raw si Jomar sa COD ngunit, hindi umano makapaniwala sa kwentong ito si Xian dahil masyadong malayo raw ito sa reyalidad. Ani pa nito, paikot-ikot na lamang umano kasi ang kwento nito.


“Mayroon ka palang utang sa kaibigan ko. Ang hinihiram pala sa’kin, pambayad sa kanya kasi may deadline na palang hinahabol, hanggang sa nai-post ka na nga! Tapos ngayon… ngayong pinost ka ni Donnalyn, ba’t parang siya pa ‘yung mali?

“Ang dami mo nang inuutangan, lods! Paikot-ikot na ‘yung kwento…” saad pa ulit ni Xian.

Ilang pangalan pa ng mga vloggers at influencers ang nabanggit dito ni Xian na inutangan din umano ni Jomar. Ang masama rito ay sumasabit daw ang pangalan ni Donnalyn dahil nga sinasabi pa ni Jomar ang ginawang pagpapautang sa kanya ni Donnalyn. Isa rin ito sa mga nabanggit ni Donnalyn sa kanyang post na talagang hindi nito ikinatuwa. Ani nga nito,


“Sinend mo pa saakin iba mong inuutangan to pay me, do you think this makes me feel better? They are messaging me! Why did you tell people?!”

Ayon kay Xian, sana ay sabihin na lamang daw sa kanila ni Jomar kung ano talaga ang nangyari; kung na-scam ba ito o nalulong lamang sa sugal dahil mas maiintindihan pa umano nila ito kung magsasabi lamang siya ng totoo.

Panoorin ang buong video dito!