Ipinagtapat kamakailan lang ni AJ Raval na dalawang buwan na umano ang nakalipas mula nang maghiwalay sila ng boyfriend nitong si ex-PBB housemate Axel Torres. Ipagdiriwang pa sana ng mga ito ang kanilang 2nd anniversary sa darating na Setyembre.

Ayon kay AJ, isa talaga umano sa malaking dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang kanyang imahe at mga pagganap niya sa mga sexy roles. Anito, animo’y hindi umano natanggap ni Axel ang kanyang pagpapaseksi.

Dahil dito kaya nagdesiyon sila na maghiwalay na lamang dahil ayon kay AJ, sa dami ng mga nakahilirang proyekto para sa kanya ngayon ay hindi niya pa kayang piliin ang pag-ibig.

“To be honest po, marami kaming naging problema sa career namin kaya nag-end po nang maaga yung relationship namin… Gusto ko pong ipagpatuloy 'yung karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa sa love life.

“Ayaw po niya akong magpaseksi... Pero kung susugal man ako sa pag-ibig, talo naman po ako sa karera. Pero kung susugal naman po ako sa karera, panalo pa rin ako,” pahayag pa ni AJ.

Gayunpaman, naiintindihan naman umano ng aktres kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Axel sa kanyang mga ginagampanang roles. Bago pa man umano kasi ito ay nakilala siya ng dating nobyo bilang isang konserbatibong babae. 

Ngunit, nagbago nga ito nang pinasok niya na ang pag-aartista. Saad pa nga ni AJ,

“Naiintindihan ko naman po siya sa part niya kasi pumasok po ako sa relasyon na hindi pa ako nag-aartista. Napaka-conservative ko pong babae hanggang sa nag-artista po ako... Hindi niya ako ganoon kakilala kaya hindi niya po matanggap na ganito ang career ko.”


Ang pag-amin na ito ni AJ ay naganap kamakailan lang sa virtual conference ng bago nitong pelikula na “Taya” kung saan, katambal niya si Sean de Guzman.

Ayon kay AJ, maging Sean umano ay nagawa rin daw na pagselosan ni Axel noon.

Gayunpaman, ngayong single na si AJ, ayon sa aktres ay bukas daw ito sa posibilidad na maka-mabutihang loob ang kanyang mga katrabaho o katambal kagaya ni Sean. Nagawa niya pa nga umano itong biruin noong tuluyan na silang naghiwalay ni Axel.

“Nag-message po ako kay Sean noon. Biniro ko po siya, sabi ko, 'Sean, break na kami. Puwede mo na akong ligawan',” kwento pa ni AJ.

Samantala, bagama’t mayroong iba na sumang-ayon sa naging rason umano ni Axel upang maghiwalay sila ni AJ, mayroon namang iba na sinuportahan si AJ sa kanyang desisyon na unahin ang career at sarili.


Payo pa nga kay AJ ng ilan sa mga netizens,

“Yes, Queen! No one has the right to decide what to do with your life aside from you. Do what you want that will make you happy. 'Wag mong papakinggan sasabihin ng iba. Aside from wala silang ambag sa buhay mo, they will just add negativities in your life.”

“Kahit naman ako. Bata ka pa para sa pag-ibig sumugal. Marami pang lalaki pero ang opportunities ay bumabagal lalo na kong nagkaka-edad na. Kaya hangga’t may kakayahan ka pa, ‘wag pag-ibig ang piliin.”

Source: facebook