Usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ng isang seller na nagbebenta ng mga bahay o properties online. Sa pinakahuli kasi nitong post, isang kilalang bahay ang binebenta na ngayon ng mga may-ari nito.

“HOUSE AND LOT FOR SALE… TOTOO PONG BINEBENTA, WALA PONG HALONG BIRO,” ang ani pa nga nito tungkol sa binebentang bahay.

Base sa mga larawan na ibinahagi ng seller na si Rhona Pineda Nilo, walang duda na ang naturang bahay, o mansyon, ay pag-aari ng kilalang mga vlogger na si Jayzam Manabat at Camille Trinidad, o JaMill.

Kilalang kilala ng mga netizens ang bahay na ito na dahil makailang ulit na itong na-feature sa YouTube at maging sa kanilang mga larawan na ibinabahagi sa social media. Dito rin kadalasan nangyayari ang kanilang mga vlog lalong lalo na ang kanilang mga prank videos.

Madalas ay hindi lamang labas ang kilalang kilala ng mga netizen kundi pati na rin ang loob ng bahay na madalas ay background sa mga larawan ng vloggers.

Maliban sa mga importanteng detalye tungkol sa bahay gaya ng kung gaano ito kalaki, ilang kwarto mayroon ito, at iba pa, hindi ibinahagi ng seller na si Rhona Pineda Nilo kung sino ang dati o kasalukuyang may-ari ng bahay.

Ngunit, malinaw naman ito sa caption pa lamang kung saan, binigyang diin ni Rhona Pineda Nilo na hindi birong binebenta na nga ito ng mga may-ari. Nakasaad din kasi sa post ang eksaktong lokasyon ng bahay na siya ring mismong lokasyon ng mansyon ng JaMill --- sa Greenwoods Subdivision, Brgy. Bayanihan, Gapan City, Nueva Ecija.

Maliban sa rason kung bakit binebenta na umano ng JaMill ang kanilang bahay, marami rin ang naiintriga kung magkano binebenta ng YouTuber couple ang kanilang bahay. Sa laki ng bahay, siguradong milyon-milyon umano ang presyo nito pag nagkataon.



Marami naman ang hindi maiwasan na manghinayang dahil ibenebenta na ng JaMill ang kanilang bahay. Alam ng mga ito kung paano pinagsikapan ng dalawa na maipatayo ang naturang bahay at bukas din ang mga ito na sabihing ito ang kanilang maituturing na ‘dream house’.

Katulad ng pagkamangha ng marami nang unang ibahagi ng JaMill ang naturang bahay ay ang grabeng lungkot din ng kanilang mga tagasuporta sa desisyong ito ngayon ng dalawa.

Marami naman ang nagsasbi na maaaring may kinalaman ang desisyong ito ng dalawa sa mga pangyayari ngayon sa kanilang buhay. Bago ito ay tuluyan nang binura kamakailan lang ng JaMill ang kanilang YouTube Channel dahil mas pinipili na ng mga ito ang tahimik na buhay at upang pangalagaan ang kanilang relasyon.

Ngunit, maging ang desiyong ito ng JaMill ay nahaluan din ng kontrobersiya dahil sa BIR na nagsasabing pagbabayarin umano ng mga ito ng buwis ang mga vlogger na milyon-milyon ang kinikita sa pagv-vlog. 


Ayon sa mga netizen, iniiwasan umano ito ng JaMill kaya sila tuluyang nagbura ng YouTube Channel.

Gayunpaman, wala pang anumang pahayag na ibinabahagi sina Jayzam at Camille tungkol sa kontrobersiyang ito at sa balitang pinapakawalan at ibenebenta na nila ang kanilang pangarap na bahay.

Source: facebook