Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang isa sa mga maituturing na sikat na mga social media  influencers sa bansa na si Jinkee Pacquiao matapos tinusta ng mga nerizens nang mapag-alaman kung gaano kamahal ang kanyang suot sa naganap na laban ni Pacquiao kay Ugas nitong Agosto 22.

Umabot kasi sa mahigit dalawang milyong piso ang OOTD ni Jinkee kaya marami ang namangha at napa-wow sa outfit ng asawa ng Pambansang kamao. At isa na sa mga napa-wow sa suot ni Jinkee ay si Cristy Fermin.

Sa kanyang online show, dito niya dahan-dahang tinusta si Jinkee at walang kaabog-abog na nagpahayag ng kanyang opinyon:

“Wala lang sa timing si Jinkee Pacquiao. Wala po siyang pakialam sa pandemya at sa nagaganap sa buong mundo dahil kung mayroon siyang pakialam ay dapat hindi niya inilalantad ang kaniyang kayamanan sa kaniyang kagamitan.

“Walang kahihiyan si Jinkee Pacquiao. Ang dami daming nagugutom na pamilya, ang dami daming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo ‘yung lahat lahat ng mga pinagbibili mo, may presyo pa at nasa bahay ka lang. Hindi ka naman lumabas kaya wala kang kahihiyan,” saad ni Cristy.


Sa kabilang banda, sa recent Facebook post ni Jinkee, nag-upload ito ng kanyang photo na may caption na tila bwelta niya sa mga netizen na nagbigay ng mga negatibong komento sa kanya matapos ang kanyang OOTD isyu.

“Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours.

“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.

“God is good all the time!”

Maraming mga netizen ang bumuo agad ng kanilang mga espekulasyon tungkol sa post ni Jinkee na pawang si Cristy Fermin umano ang pinatatamaan niya ng kanyang maanghang na post.


Ayon sa mga reports, ang Zimmermann na mini dress ni Jinkee na sinuot niya umano sa naganap na laban ng kanyang asawa ay tinatayang nagkakahalaga ng Php 34, 774, mini Dior na pink alligator bag ay nasa Php 406, 726 ang presyo.

Samantala ang mga alahas niya kasama na ang kanyang 18- karat yellow gold Tiffany and Co. bracelet na nagkakahalaga ng $1950 o Php 97,710 at ang kanyang City HardWear diamond pave, 18-karat yellow bracelet na nagkakahalaga naman ng $18,500 o Php 926,998.

Source: bandera