Pinag-uusapan na naman ngayon ang isa mga maituturing na kontrobersyal na aktor na si Derek Ramsay matapos ang diretsahang tanong ni Ogie Diaz at Mama Loi sa panayam nito sa kanya tungkol sa kumakalat na isyu.

Sa kanilang showbiz update vlog, napag-usapan nila ni Mama Loi, Ogie Diaz at Derek ang nangyaring "walkout issue." Sa kalagitnaan ng kanilang naging panayam, diretsahang tinanong ni Ogie si Derek tungkol sa friendship nila ni John Estrada. 

Ang walkout issue na ito ay may kinalaman sa fiancé ni Derek Ramsay na si Ellen Adarna kung saan magkasama sa isang sitcom ang dalawa na sina Ellen at John sa programang John and Ellen sa TV5.

Ayon sa report, bigla na lamang daw umalis si Ellen sa set kahit may ilan pa siyang eksena na hindi nakukunan.

Hindi rin daw nagpaalam ang aktres sa production head nang umalis ito kasama ang kanyang fiancé na si Derek.

Kinumpirma naman ng co-star nina Ellen at John na si Long Mejia ang insidenteng pagwu-walkout ng aktres sa huling taping day nila.

Ayon sa veteran comedian, nakakabastos umano ang pag-alis ni Ellen nang walang maayos na paalam at di pa tapos ang trabaho.

Wala rin umanong malasakit si Ellen sa mga katrabahong apektado.

Kaya diretsahan siyang tinanong ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz, "Derek, hindi na maibabalik friendship niyo ni John," tanong ni Ogie kay Derek.


Agad naman sumagot si Derek at walang pagdadalawang isip sa kanyang naging pahayag. Sinabi niya na mukhang malabo na maibalik ang dating pagkakaibigan nila noon ni John. 

Inamin ni Derek na naging malapit siya noon kay Priscilla at sa pamilya mismo ni John Estrada, ngunit sa ngayon, ayaw lang niya 'bad energy' para sa ikabubuti ng lahat. 

"No, I don't think so. Again, I don't wish any ill feelings towards John, his family, naging malapit ako sa kay Priscilla. It's just that I think for the good of everybody. I don't want bad energy." "I'm not saying John is a bad person or bad energy ha. It just went too far," sabi ni Derek.

"I just want to avoid any negativity, I'm entering the next chapter of my life..."

Derek: "I wish you well bro, but that friendship is definitely out the door." 

Matatandaan na sa isang interview rin ni Ogie Diaz kay Derek, minsan na ring sinagot ni Derek ang naturang isyu sa pagitan nila ni John Estrada. 

"Hindi ko siya kaaway. Hindi ko siya kaibigan. He's no longer a friend of mine. I just don't want to associate myself with John,” sabi ni Derek.

"Magsisinungaling ako kung walang kinalaman 'yung nangyari kay Ellen, pero 'yon 'yung icing on the cake. 'Yun ang nag-push sa akin na enough is enough," dagdag pa niya. 


Sinabi rin ni Derek na maraming mga paghihirap din ang naranasan ni Ellen sa kanilang "John and Ellen" sitcom. 

"Naramdaman niya 'yung galit ko. I think na-understand naman ni John kung saan ako nanggaling... Marami nangyari kay Ellen sa show na iyan. But, ibigay ko kay John. He was apologetic sa mga bagay na nangyari. Pero, there were certain things na 'di ko na puwede tanggapin,” pahiwatig ni Derek.

"For me, you go on with your life, I'll go on with my life. I wish you well, Bro," dagdag ng aktor.

Source: kami