Maraming mga netizens na naman ang kinilig sa balitang mayroon nang bagong pag-ibig ang viral dancer at choreographer na si Rhemuel Lunio, o mas kilala bilang DJ Loonyo. Sa isang Instagram post, masayang ipinakilala ni Loonyo sa publiko ang babaeng nagpapatibok ngayon sa kanyang puso.

Ito ay ang vlogger at influencer na si Faye Protacio. Kamakailan lang ay kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga larawan na magkasama sa Instagram.

Kitang sweet na sweet ang mga ito sa mga larawan na ibinahagi ni Loonyo. Ang mga ito ay mga larawan ng kanilang mga dates gaya ng pagkain sa labas at pagpunta sa beach. Nilagyan ito ni Loonyo ng Cebuano caption na “gugma” na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “pag-ibig”.

Samantala, hindi rin nagpahuli si Faye at kinumpirma rin nito ang relasyon sa dancer sa pagmamagitan ng pagbabahagi ng isa ring IG post. Isang selfie photo naman ng dalawa ang ibinahagi ng vlogger. Caption niya naman dito,

“Akala ko sa H nagsisimula yung HAPPINESS. Sa U pala… basta.”

Kinilig naman ang marami sa relasyong ito ng dalawa lalo na ang kanilang mga tagsuporta. Bagama’t mayroong ilan na hindi maiwasang malungkot umano dahil “taken” na ang kanilang ini-idolo, masaya pa rin ang mga ito para sa dalawa at nakahanda pa rin silang suportahan ang mga ito.


“Basta masaya ka Rhems, masaya na din kami. Stay in love both of you,” ang komento pa nga ng isa sa kanilang mga tagasuporta.

Bagama’t ito umano ang unang beses na nagpabahagi ng post si Loonyo sa IG kasama si Faye, ilang beses na raw itong nagbahagi ng larawan ni Faye sa IG stories lamang. Kaya naman, marami ang natuwa at sa wakas ay mayroon na umanong larawan ang dalawa na tuluyan nang ipinost ng dancer.

Bago ito, kung matatandaan ay Mayo pa lamang ng kasalukuyang taon ay inamin ni Loonyo na mayroon na itong bagong karelasyon. Ngunit, mas pinili niya na huwag pangalanan ang babae dahil gusto nito na manatili munang pribado ang aspetong ito ng kanyang personal na buhay.


“Last year nag-start. Pero in this aspect, gusto ko siya low-key. Kapag maraming nakakaalam, madaming nangingialam… Kung meron part sa buhay ko na gusto ko iano, it’s the privacy of that one.

“Kasi, you know, social media nowadays is really cruel. Sobrang wild lang,” saad pa nga ni DJ Loonyo.


Minsan na ring nasangkot sa mga kontrobersiya si Loonyo tungkol sa mga babaeng nakarelasyon o nakaugnayan nito dati. Isa nga sa mga ito ay ang tungkol kay Ivana Alawi kung saan, inakala ng marami na nagkakamabutihan ang dalawa ngunit, mayroon pa palang ibang babaeng nauugnay kay Loonyo.

Kaya naman, hindi maiwasan na tawagin ang dancer na ‘babaero’ dahil sa mga isyung ito sa kanya. Ngunit, sa isang panayam dito, ayon kay Loonyo ay tanggap niya naman umano na nagkaroon ng panahon sa kanyang buhay na naging ganoon ito. Ang mas importante naman umano ngayon ay pinagsisikapan niya nang maging mas mabuting tao.

“Totoo din naman yung sinasabi nila minsan, e. Hindi ko naman dine-deny, e. Like, sasabihin nila, ‘babaero.’ Okay, pinagdaanan ko naman yun dati,” pahayag pa ulit ng dancer.

Source: facebook