Matapos ang limang mahabang taon, dininig na rin sa wakas ang dasal ng dating DJ, aktres, at modelo na si Karen Bordabor, --- ang makalaya sa kulungan. Emosyonal ito sa kanyang vlog na ibinahagi niya kamakailan lang kung saan, kinwento nito ang masakit na pangyayari na nagpabago sa kanyang buhay.

“On the 15th of June this year 2021, I was aquitted! Yes, I was finally acquitted.

“I’ve been waiting for that day for the longest time like every single day, I would pray, pray, pray, pray. When the verdict was announced, I super cried, sobrang cried, grabe 5 years!  Like to lose your life for 5 years,” ani pa ni Bordador.

August 13, 2016 ng hinuli noon ng mga pulis si Bordabor at ang ex-boryfriend nito na si Emilio Lim dahil sa bintang tungkol sa pagbebenta umano ng ilegal na droga. Sinampahan ang mga ito ng kasong illegal possession of illegal drugs.

Bagama’t agad nagnegatibo noon sa drug test si Bordabor, hindi agad ito na-abswelto sa kaso at nanatiling nakakulong sa Pasig City Jail. Matapos nga ang limang taong pagkakakulong, ‘not guilty’ ang naging hatol ng Pasig Regional Trial Court Branch 151 sa dating DJ at modelo.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Bordabor ang pangyayaring iyon nang hulihin siya ng mga pulis. Hindi nito inasahan na dahil lamang sa pangyayaring iyon ay mawawala sa isang iglap ang lahat ng meron ito gaya ng kanyang career.


“In the morning I have a 2:00 – 6:00 a.m. radio show and in the afternoon, I have an event where I was an influencer for and I had a bunch of food so I thought and maybe I visit my ex (boyfriend) din for surprise, so I did that and 30 seconds later upon arrival, just 30 seconds!  My life completely changed,

“Imagine 30 seconds, I would lose like years of my life, my career, my everything really. Basically, I was at the wrong place at the wrong time. If I wouldn’t have gone else where that day or I was a little later few seconds later that would not happen to me at all,” pagkukwento pa ni Bordabor.

Sa loob ng limang taon, limang pasko, kaarawan, at bagong taon din ang lumipas na hindi nito nakasama ang kanyang pamilya. Ibang-iba ang buhay nito sa kulungan mula sa buhay na nakagisnan niya sa labas.

Kaya naman, nang makalabas at makauwi sa kanilang bahay ay parang bago umano ang lahat para kay Bordabor. Nanibago umano ito sa laki ng kanilang bahay na walang-wala sa kulungan kung saan siya nanatili ng limang taon.

“Imagine ‘no?  Kinaya ko ‘yun? Inisip ko may purpose si Lord.  Hindi naman niya gagawin ‘yun para sa wala lang,” ani pa ulit nito.

Malaki rin umano ang pasasalamat ni Bordabor para sa kanyang ina na siyang nag-asikaso sa kanyang kaso at sa lahat. Nang lumabas ng kulungan, maliban sa kanyang ina ay wala umano itong ibang sinabihan kahit ang kanyang mga kaibigan. Dagdag pagbabahagi niya pa,


“Yehey, going home… I didn’t let anyone pick me up, I didn’t tell my friends. I just surprise them. But my mom knew… I’m super grateful to my mom, she’s the best person ever.

“Feeling ko hindi ito totoo!  Nasanay na ako sa loob, ‘yung akala mo doon ka lang tapos biglang nangyari, na-acquit. Alam mo ‘yung kakaiba talaga.Nasa bahay ka na --- parang magic lang ‘no? Ang tagal ng panahon.”

Source: bandera