Hindi na nga napigilan ng aktor na si Jerald Napoles ang mapaiyak dahil sa sobrang galak at tuwa nang malamang hinahangaan umano ito ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta. Nakatanggap lang naman ito ng mga papuri mula kay Sharon na talaga namang labis na ikinatuwa ni Jerald.

Ayon kasi kay Sharon, isa umano ang aktor sa mga pinaka nais niyang makatrabaho. Humahanga umano ito sa galing ni Jerald bilang aktor kaya naman, kapag may pagkakataon ay nais niya itong makatrabaho.

Una nang pinuri ni Sharon si Jerald sa naganap na presscon ng bago nitong pelikula na “Revirginized”. Ngunit, nagpost pa ulit ang Megastar tungkol dito sa kanyang Instagram account. Dito, aniya ay totoo nga na bilib ito kay Jerald na napapanood umano nito noon sa mga stage musical.

“This is SO TRUE. I have been a fan of Jerald Napoles @iamjnapoles since I watched him in a stage musical with my sister @pinaypole Ciara Sotto! Sinabi ko na kay Jerald noon pa na gusto ko sya makasama sa work,” saad pa nga ni Sharon.


Dagdag ani pa nito, naipaabot niya na umano ang request niya na makatrabaho ang aktor sa mga kinauukulan gaya na lamang ng direktor na si Direk Daryll Yap at sa Viva Films. Maliban dito ay inihayag din ni Sharon ang kanyang paghanga para sa husay din umano ng girlfriend naman ni Jerald na si Kim Molina.

“Isa siya sa pinakamagaling na artista kahit saan mo ilagay, para sa akin. Si @kimsmolina din napakahusay sana makasama ko din sya! Pero ako na President ng Jerald Napoles Fan Club! Ang bait at nakakatawa pa ng taong ito! Congrats to you and Kim, Jerald!” saad pa ulit ng Megastar.

Samantala, hindi na nga napigilan ni Jerald ang kanyang tuwa at ani nito ay napaiyak daw siya dahil sa papuri sa kanya ng de-kalibreng aktres. Sa comment section ng naturang IG post ni Sharon sa kanya ay pinasalamatan niya ito ng malaki at aniya pa ay hindi niya raw alam ano ang sasabihin dito dahil sa sobrang tuwa.


“HALA !! ma’am !!! Grabe naman po ito.. kinikilabutan ako ngayon, wow, MARAMING SALAMAT PO !!! Di ko alam sasabihin ko. Basta salamat po ma’am. It is such a great honor. Iyak na ko ate!” mensahe pa nga ni Jerald.

Ayon sa aktor, dahil sa papuring ito mula sa nag-iisang Sharon Cuneta ay mas na-inspire pa umano siya na gumaling pa sa kanyang trabaho. Kung sakaling matuloy man na magsama silang dalawa sa isang pelikula o proyekto, sisiguraduhin umano ni Jerald na gagalingan nito.

Samantala, masaya si Kim Molina para sa recognition na ito na ibinigay sa kanyang nobyo. Ani ng aktres, deserve umano ni Jerald ang naturang papuri at sana umano ay matuloy ang plano na tuluyang magkatrabaho ang dalawa. Pahayag pa nga ni Kim tungkol dito,


“Happy ako na ma-reach ni Je kung anuman ’yon. Deserve niya magkaroon ng ganu’ng recognition. Excited na excited na nga siya! Walang selos, walang competition sa aming dalawa. Sana nga matuloy…”

Source: bandera