Nagsalita na ang aktor na si Kiko Estrada sa isyu na  kamakailan lang ay trending na trending sa social media matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Devon Seron dahil sa "third party issue" at ang pagkumpirma nilang dalawa ni Heaven Peralejo sa kanilang relasyon.

Hindi na natiis ng aktor ang mga hindi kanais-nais na komento at pamba-bash ng mga netizen sa kanyang bagong girlfriend na si Heaven Peralejo. Ang labis na pagmamahal ni Kiko kay Heaven ang nagtulak sa kanya na magsalita na tungkol sa isyu at depensahan ang kanyang minamahal.

Ayon kay Kiko, mahigit dalawang taon ang naging pagsasama nilang dalawa ni Devon na kapwa rin niya artista. Nangyari ang kanilang hiwalayan noong Valentine's Day, February 14, 2021.

Dagdag pa nito, pumasok ang Kapamilya actress na co-star sa "Bagong Umaga" sa buhay ng aktor isang buwan na matapos ang paghihiwalay nila ng kanyang dating nobya na si Devon.

Nilinaw din ng aktor na wala pa sila ni Heaven noon. Nag-uusap lang sila at nasa getting to know stage pa silang dalawa. 

Bilang dating talent manager ni Heaven, kita naman kay Ogie Diaz ang pagnanais nitong protektahan ang dating alaga na lubos na naaapektuhan sa sitwasyon. Si Heaven kasi ang halos tumatanggap ng pangba-bash ng netizens dahil siya ang itinuturong nang-agaw ng karelasyon ng iba.

“‘Yun na nga po Tito, kaya ako nandito just to clarify everything. I think it is long overdue kasi I’m the type of man na marespeto ako sa past, sa future, sa present.

“I don’t really talk about my private life but this is going overboard na kasi. I just want them to know the truth and to know the specific timeline from me,”

Muling inilahad ng aktor na naghiwalay nga sila ni Devon noong February 14, 2021 pa at naging opisyal ang kanilang relasyon ni Devon nitong May 13, 2021.

Hindi rin maintindihan ni Kiko na bakit marami ang nagsasabi na mang-aagaw si Heaven. 

“We were formed through the adversity, through the hardships, through the issue. We became closer, so I would never expect na magiging kami, in any way, form or whatsoever. Nakakalungkot lang na it had to be this way,” paglalahad ng binata.


“I don’t really talk about my private life but this is going overboard na kasi. I just want them to know the truth and to know the specific timeline from me,”

Dito nga muling inilahad ng aktor na nag-break sila ni Devon noong February 14, 2021 at naging sila ni Heaven noong May 13, 2021.

Hindi rin maintindihan ni Kiko kung bakit pilit pa ring idinidiin na mang-aagaw si Heaven. Sa tingin niya ay pinaniniwalaan lang ng tao ang nais nitong paniwalaan.

“That’s why I stopped (using) social media kasi alam ko naman na people will judge you no matter if they know everything or they truly know who you are. I gave up on the whole point na parang I want them to understand. I want them to really know the truth.

“I know that they will believe whatever they want to believe but seeing the person you love hurt by lies or by fabricated truths, it takes like a man to stand up, to tell the truth, to tell what really happened.

“I’m a private guy and you know this. Nakakalungkot lang na I had to reach to this point to show or to tell everyone the truth,” paliwanag ni Kiko.

Dagdag pa ng aktor, nahihirapan na siyang makita na malungkot ang taong minamahal niya. Natural lang ang bashing ngunit tao rin naman daw sila na naaapektuhan din.

Ang mga salitang "third party" at "cheater" ay labis na nakakaapekto sa kanila dahil ang lahat ng mga akusasyon na ito ay walang katotohanan.

Hindi rin daw naging maganda ang naging break-up nila ni Devon. Nirerespeto rin daw niya ang ex at ang pamilya nito. Naiintindihan niya rin daw na nasaktan ang mga ito kaya hindi maganda ang mga salitang nabitawan laban sa kanya ngunit hinihiling niya na sana ay tumigil na ang mga ito ay mag-move on.


Mensahe naman ni Kiko para kay Devon, “I just hope she’s well. I hope she gets the best in life. I wish her the best and she deserves the best and I am not the best for her. I’m sure that there’s someone who’s gonna love her the way she wants to be loved. And I have no ill-will towards her and her family because I respect them."

Nag iwan naman si Kiko ng isang sweet message para kay Heaven laban sa mga taong patuloy na nambabatikos sa kanila.

“Keep strong and we’re gonna get through this. You’re gonna get through this. You’re a strong girl. You’re beautiful. You’re kind. You’re generous. So all these adversities that we’re going through, we’ll fight through it.

“And I believe na the strongest people go through The hardest adversities to make them strong.”

Ayon sa aktor, sana raw ay si Heaven na ang kanyang “the one”.

Source: bandera