“Thank you for coming into my life. Happy Birthday!”

Ito ang simple ngunit makahulugang Instagram post na ibinahagi kamakailan lang ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Hindi pinangalanan ni Kris kung para kanino ang naturang mensahe kaya ganoon na lamang kabilis na naintriga ang marami tungkol sa taong nasa likod nang naturang mensahe.

Ayon kay Kris, matagal niya raw pinag-isipan bago ibahagai ang naturang mensahe dahil alam niya na agad itong dadagsain ng mga spekulasyon. Ngunit, ‘deserve’ umano ng naturang tao ang kanyang pagbati dahil nandoon ito ng mga panahong kinailangan niya ng suporta at nagluluksa siya.

Dito, agad na ring kinumpirma ng host at aktres na “espesyal” sa kanya ang naturang tao. Saad niya pa nga tungkol dito,

“I thought long and hard whether to upload this, because I know what kind of speculation I'll be starting… BUT he really did come when my grief was unbearable; he continues to give me unselfish support & comfort; he’s been around for all my ups and downs, health woes, and tears- plus bimb likes him… most of all he makes me feel taken care of, secure, and SAFE. 

“So he is deserving of this birthday greeting that all of you are now seeing (care bears na kung anong iisipin ninyo) BECAUSE for me he is #special.”

Napatanong naman agad ang marami kung sino ang may birthday nang araw na iyon, ika-11 ng Agosto, na maaaring ang ‘mystery man’ sa post na ito ni Kris. Bagama’t maraming mga tagsuporta nito ang natuwa dahil mayroon nang muling nagpapasaya kay Kris, hindi rin maiwasan na mayroong mga netizen na pumuna sa pagbabahaging ito ni Kris.


Kasabay ng kanya-kanyang hulaan ng mga netizen kung para kaninong kaarawan ang mensaheng ito ni Kris, hindi rin nagpahuli ang mga bumabatikos dito at sinabing huwag na raw mag-post pa si Kris kung pribadong buhay raw talaga ang gusto nito.

Hindi naman nagpatinag si Kris sa mapanghusgang komento na ito ng naturang netizen at diretsahan niya itong sinagot. Kinwestyon ni Kris ang naturang netizen at tinanong kung bakit umano siya nito dinidiktahan sa kung ano ang dapat at hindi niya dapat ibahagi sa social media.

Ngunit, hindi pa natapos dito ang netizen at muli pang sinagot ang pagkukwestyon na ito ni Kris sa kanya. Gayunpaman, dahil din sa komentong ito kaya tuluyan nang nabunyag ang katauhan sa likod ng “mystery man” sa IG post na ito ni Kris.

Gaya ng spekulasyon ng marami, ito nga ay si dating Department Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento.

Sa naturang komento kasi ng netizen, gamit ang telepono umano ni Kris ay sinagot mismo ni Sarmiento ang netizen at sinabing wala naman umanong problema o masama sa ginawa ni Kris na pagbati sa kanya.

Dagdag ani pa nga nito, totoong nagpasaya sa kanya ang pagbati ni Kris dito at naramdaman nito kung gaano siya kaswerte. Kaya naman, ani ni Sarmiento ay nais niya raw humingi ng kahit kaunting respeto lamang mula rito.


Matapos ngang mabunyag na si dating DILG Secretary Sarmiento ang bagong nagpapasaya kay Kris, sa kabila ng mga intriga ay agad din na bumuhos ang mga pagsuporta para sa dalawa.