Trending na trending ngayon ang pasabog na mga pahayag ni Mystica tungkol sa isang kilalang psychic na si Rudy Baldwin na siyang pinaniniwalaan ng lahat na nagkakatotoo talaga ang kanyang mga pangitain tungkol sa mga nagaganap at magaganap pang mga trahedya maging sa Pilipinas o sa ibang bansa man.

Sa Youtube channel ni Mystica, sunod-sunod ang kanyang mga pahayag laban sa sikat na psychic. Sinabi niya rito na may isa raw na netizen ang  nabudol ni Rudy Baldwin na nakausap mismo ni Mystica sa telepono. 

Ayon sa netizen na nakausap  ni Mystica sa telepono, nakita raw niya si Rudy Baldwin at  nagkakatotoo pa ang mga vision nito. Kaya, hindi siya nagdadalawang isip na i-message si Rudy Baldwin.

Netizen: “Nakikita ko siya, sabi niya tumama raw vision niya, ni-PM ko siya. Sabi ko, madam, pwede ba ako magpa-vision sa inyo?”

Mystica: “Paano ka niya na-read?”

Agad naman sinabi ng netizen na nagpa-vision kay Rudy Baldwin na sa pamamagitan ng video call lang daw ginawa ni Rudy ang nasabing pag vi-vision. 

Nagalit si Mystica sa nalaman niya na ganito pala ang ginagawa ni Rudy Baldwin sa mga magpapa-vision sa kanya. Kaya, sinabihan niya ang isang netizen na kailangan i-expose ang mga kalokohang ginagawa ni Rudy Baldwin.


Mystica: “Okay, i-send mo lahat sa akin kasi kailangan i-expose natin hanggang sa makulong siya. Criminal act ang ginagawa niya…” 

“I-send mo sa akin lahat ng mga resibo, mga ebidensya. OK? Kailangan mapakulong ang g*gong yan!,” dagdag pa ni Mystica.

Paglalahad ng netizen na nagpa-vision kay Rudy Baldwin, maraming account daw ang ginagamit ng sinasabing psychic. 

Kaya ganun na lang ang naging reaksyon ni Mystica sa sinabi sa kanya ng netizen. Ang ginagawa raw ni Rudy Baldwin ay tinatawag na professional fortune-telling ngunit ang sinasabi daw niya sa kanyang mga naging mga client ay visionary. 

Mystica: “OK, ibigay mo sa’kin lahat. Kasi first of all, ang ginagawa niya is professional fortune-telling sinasabi niya visionary visionary. Ang visionary, ‘yun talagang ang Diyos mismo ang nag-utos sa kanya when in fact wala naman ni isa sa naging testimony niya sa nakausap niya ang Diyos sa kanyang vision. Samantalang ako, it’s all over YouTube, nasa internet lahat ‘yung mg visions ko at talagang testimonial ko na nakausap ang truth sa langit.”

Sinabi rin ng netizen na noong namatay kamakailan lang ang dating presidente na si Noynoy Aquino, narinig na raw niya ang balita sa ilang mga news outlets at tiningnan niya mismo ang Facebook page ni Rudy Baldwin, wala naman siyang nakitang post tungkol dito. After 3 hours pa nag post ang nasabing psychic sa naturang pagkawala ng dating presidente.

At noong sinabi niya yun kay Rudy Baldwin, blocked na agad siya sa Facebook.


Sinabihan rin siyang huwag siyang lalabas ng bahay sa 3rd week ng November dahil kung lalabas siya, mamatay siya. Tanging dasal lang ni Rudy Baldwin daw ang makapagpigil nito at kailangan lang niya magbayad ng Php 5,000.

“Hindi maganda ang ginagawa niya, minamanipula niya ang mga tao. Pagkatapos ‘yung mga tao naman, akala nila totoong alagad ng Diyos, yun pala alagad ni Satanas,” dagdag pa ni Mystica.

Panoorin ang buong video dito!