Hindi na nakapagpigil pa ang aktor na si Janus del Prado at naglabas ito ng mga pasabog na rebelasyon na mayroong pa-blind item matapos ang isang panayam kamakailan lang kay Gerald Anderson kung saan, isinaad nito na umaasa raw siya na sana ay mapatawad ni siya ni Bea Alonzo.

Maliban sa pagiging magkatrabaho, sina Janus at Bea ay kilalang malapit na magkaibigan. Isa si Janus sa mga kaibigan ng aktres na hayagan ang pagtatanggol sa kanya lalo na sa mga isyu na kinasangkutan kamakailan lang ni Bea.

Kaugnay nga nito, hindi man diretsahang pinangalanan ay malinaw umano na si Gerald ang pinapatamaan ni Janus sa kanyang mga ibinahaging post. Dito ay mayroong inilantad si Janus na nangyari noong karelasyon pa ng kaibigan niyang si Bea si Gerald. 

“May bagong show ata kaya nagso-sorry kay B. Sa amin nila Direk at OMC team di ka nagso-sorry at pinag-away away mo kami para lang pagtakpan ang kalokohan mo sa set? Bekenemen,” ani pa rito ni Janus.

Ayon sa mga netizen, maaaring ang ‘OMC’ umano na tinutukoy dito ni Janus ay ang pelikula dati ni Bea na One More Chance na ang direktor ay si Cathy Garcia-Molina. Ito umano marahil ang ibig sabihin ng OMC team.

Dito, isang P ang tinutukoy ni Janus na totoong naugnay daw noon kay Gerald sa set ng MPY. Pagbubunyag ng aktor, ipinagtanggol niya pa umano ito dati kaya muntikan pa raw masira ang pagkakaibigan nila ni Bea at ng OMC team.


“Inaatake na ako ng mga paid trolls nila G&J pero kahit kelan naman wala ako sinabi masama kay J. Sabihin niyo kasi yang pa-victim niyong master na wag manipulahin yung mga tao sa paligid niya at pag away-awayin para lang mapagtakpan yung milagro na ginawa nila ni P sa set ng MPY. 

“Pinagtanggol pa naman namin siya kay B. Muntikan na tuloy masira ang pamilya ng OMC. Pa FO na eh. Buti naisalba pa. Nyeta ka. #aynapost,” pagbubunyag pa ni Janus.

Ayon sa mga netizen, malinaw na ang tinutukoy raw dito ni Janus na P ay si Pia Wurtzbach na nakatambal ni Gerald sa pelikulang ‘My Perfect You’, na siyang ibig sabihin din ng blind item ni Janus na ‘MPY’.

Bagama’t wala pang reaksyon si Pia sa pasabog na ito ni Janus, hindi naman pinalampas ng batikang host at talent manager na si Lolit Solis ang post na ito ng aktor. Hindi kagaya ni Janus, diretsahang pinangalanan dito ni Lolit sina Pia at Gerald.

Binansagan niya pa ngang “lady killer” dito si Gerald dahil sa nakakaloka umanong ganap na ito sa buhay ng aktor at sa dami raw ng ‘casting’ dito. Opinyon pa nga tungkol dito ni Lolit,

“Kaloka naman ang mga ganap sa buhay ni Gerald Anderson. Pati si Janus del Prado kasali na sa casting, hah hah… Tutoo pala na meron din naging chapter na Gerald at Pia Wurtzbach nang gumagawa sila ng movie…


“At reveal talaga iyon kay Pia dahil parang isang quickie romance on the set lang diumano ang nangyari dahil that time sila Gerald at Bea Alonzo pa rin ayon sa mga post ni Janus.

“Bongga ha, ang galing ni Gerald Anderson, lady killer talaga ang dating. Nagagawa niya lahat ng secret at lumalabas lang pag may pumiyok. Hah hah, hanga na ako talaga sa magic ng charms ni Gerald. Talagang matinik, walang paltos.”

Source: bandera