Hindi pa rin matapos tapos ang isyu ni Rudy Baldwin dahil sa mga patong patong na reklamo laban sa nasabing psychic. Kamakailan lang ay pinatawag si Rudy Baldwin sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) matapos siyang ireklamo ng dating manager nito na si Elzen Estores dahil sa mga "pekeng" visions.

“Puro po kamalasan ang nangyari sa buhay ko, Sir Raffy,” umpisa ni Elzen.

“Ang ipinangako po kasi sa akin na na-vision daw po niya na magiging mayor daw po ako sa Bulacan,” pagpapatuloy nito.

Marami rin daw sinabi si Rudy Baldwin tungkol sa mga nakikita niya umano sa kanyang mga "visions" sa kanyang dating manager. Sinabihan siya sa kanyang magiging income at pag-unlad ng kanyang buhay.

Ayon pa kay Elzen, sinunod niya ang payo ng psychic na ibenta ang kanyang bahay dahil sinabi umano sa kanya ni Baldwin na malapit na ang katapusan ng mundo.

Isa rin sa mga pasabog na sinabi ni Elzen ay sinabi raw ni Baldwin sa kanya na magiging leading lady siya ng isa sa mga pinaka hinahangaang aktor na si Piolo Pascual sa isang pelikula.

Labis na natuwa si Raffy Tulfo sa mga isiniwalat ni Elzen sa kanyang programa. At pabiro na ring tinanong ni Raffy Tulfo kung hindi ba nahulaan ni Rudy Baldwin na ipapa-Tulfo umano ni Elzen si Baldwin.

Naglabas ng pahayag si Rudy Baldwin tungkol umano sa nasabing isyu nila ng kanyang dating manager sa kanyang Facebook page.

"Huwag nyo naman idamay si Piolo Pascual," hiling ng nasabing psychic matapos nadawit ang aktor sa isyu nila ng kanyang dating manager. 


Pahayag ni Rudy Baldwin, sinungaling daw umano ang kanyang dating manager at sinabi niya na siya talaga ang totoong scammer sa kanilang dalawa.

"Good luck at naka-save ang death threat mo sa akin

Magkita na lang tayo sa korte, Ms. Solen," pahayag ni Rudy Baldwin sa kanyang post sa Facebook.

Matatandaang sa isang live video ni Bonita, dating manager din ni Baldwin, isiniwalat niya ang lahat ng mga hindi magandang ginawa ni Rudy Baldwin habang siya ay nasa puder pa ni Bonita. Naglabas siya ng video dahil hindi niya nagustuhan ang umanong mga paratang ni Rudy Baldwin sa kanya habang nasa puder pa niya ito. 

Sinabi raw sa kanya ni Baldwin noon na pineperahan lang niya ang mga tao kaya't ganun na lamang ang pagkagalit ni Bonita sa dating alaga. Nais pa raw siyang idemanda ni Baldwin ngunit hindi siya natatakot dito.

Dagdag pa ng dating manager, kung may dapat man makulong sa kanila ay si Rudy iyon. Marami siyang mga ebidensya na magpapatunay na pinerahan din siya ng umanong psychic at binaboy pa umano nito ang kanyang bahay dahil pinapapunta raw ni Baldwin ang kanyang nobyo sa bahay ni Bonita para doon gumawa ng milagro.

Lahat ng kanilang ginagawa ay nakuhanan umano ng kanilang CCTV na naka install sa buong bahay. 


Sinabi rin ni Bonita na may anak umano si Rudy Baldwin ngunit ayaw tanggapin ng psychic ito. Kaya labis ang kanyang pagkaawa sa bata. 

Ang singil ni Rudy Baldwin noon sa tuwing may magpapa vision sa kanya ay Php 750 lamang ngunit nang makilala na siya ng maraming tao, dumoble umano ang bayad, naging Php 1500 na. 

Hinulaan umano ni Baldwin na hindi pa raw mamamatay ang kapatid ni Bonita, ngunit hindi rin nagtagal ay namatay din ito. 

"Basta eto lang, Rudy tigilan mo na ko dahil wala akong pakialam kung kaninong bahay ang gusto ong sunugin, wala akong pakialam kung ilang bundok ang gusto mong pasabugin. At saka wag kayong maniwala kasi hindi talaga marunong magvision!" saad pa ng dating manager.

Source: bandera