Sa isang relasyon, ang kailangan lang talaga para magtagal ang pagsasama ng magkasintahan ay ang tiwala at pagmamahal sa isa’t isa. Marami ang mga nangarap sa kanilang “forever” at ang taong kanilang bibigyan ng kanilang pagmamahal at oras nila. Sa social media, marami ng mga nag viral na mga couple dahil sa mga nakakaantig nitong mga kwento ng pag-ibig.

Totoo talaga na sa pagmamahal, hindi kailanman magiging hadlang ang mga pagsubok upang tuluyan ng sumuko at bumitaw sa relasyong pinaghirapan niyong buuin. Kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok lalong lalo na sa panahon ng krisis ngayon, higit na kinakailangan ang tiwala at unconditional love.

Katulad na lamang ng nag viral ngayon sa Facebook na isang post ng isang babaeng nagngangalang Dona Daraman matapos niyang ibinahagi sa publiko ang maliit na sorpresa at pasasalamat niya sa kanyang minamahal.

Sa post ng isang Facebook page na “‘Kaaraman,” kitang kita ang bitbit na cake ni Dona para sa kanyang nobyo na si Romnick Villaruel sa Antipolo Rizal. Sa post, kitang kita rin na maluha-luhang niyakap ni Romnick si Dona.

Ayon kay Dona, ito ay bilang pasasalamat umano sa kanyang kinakasama na si Romnick dahil sa pagiging masipag, maalaga at mapagmahal nito.

Dahil daw sa sobrang hirap ng buhay, iyon lang ang kanyang naisip na sorpresa para sa kanyang kinakasama na si Romnick. Ngunit, kahit na mahirap ang buhay, gumawa pa rin ng paraan si Dona para lang maiparating kay Romnick ang kanyang pasasalamat at appreciation sa kanyang partner.

Sinabi rin ni Dona na hindi man lang din nagrereklamo ang kanyang kinakasama sa tuwing magde-deliver na sila ng mga items sa kanyang online business kahit si Romnick ay galing sa trabaho bilang construction worker. 



“Masipag po kasi ’yan eh from work po madalas po aalis kami agad para mag-deliver ng mga items from [my online business]. Saka mabait pa kaya sinuklian ko lang po ’yung kabaitan niya and pagiging supportive partner kahit pagod siya,” sabi ni Dona sa kanyang post.

Pareho silang speechless ni Dona at ni Romnick nang papasok na ng pinto si Romnick, ngunit kitang kita naman ni Dona na labis na na-appreciate umano ng kanyang kinakasama ang kanyang ginawang munting sorpresa.

“Speechless na din kami pareho pagpasok niya ng pinto. Pero alam ko naman na sa gestures niya sobra niya na appreciate ’yung surprise for simple effort na gaya po nun,” dagdag pa ni Dona.

Marami naman sa mga netizen na nakakita ng post ang labis na naantig ang kanilang mga puso dahil sa ginawang effort ni Dona para lang maipakita ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang partner na si Romnick. 


Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen sa naturang post:

“napaka rare ng babaeng ganyan. kadalasan sa babae ngayun, di sapat ung basta effort lang kasi dapat bongga din. kung wala kang gagawin magrereklamo kasi di ka nag effort. pero kung nag effort ka, di pa masaya kasi di gaanong bongga.”

“It's the effort , love and appreciation that matters ❤️❤️❤️”

“saludo kami sayo girl. sana all ganyan”

Source: facebook