Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa umano’y pagbura ng kilalang vloggers na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, o kilala bilang ang tambalang JaMill, sa kanilang YouTube account na mayroong milyon-milyong subscribers.

Lumalabas, hindi na mahanap ang account ng JaMill sa YouTube at ang dahilan ay maaring binura na umano ito ng dalawa. Wala naman umanong nilabag na rules ng YouTube ang JaMill kaya hindi rin ang platform ang dahilan ng pagkawala ng kanilang channel.

Ikinagulat naman ng marami ang ginawang ito ng dalawa lalo na ang kanilang mga tagasuporta at tagahanga na kung tawagin ay mga “mandirigma”. Marami sa mga ito ang nagtatanong kung ano ang nangyari kina Jayzam at Camille para humantong sa pagbura ng kanilang YT channel ang kanilang desisyon.

Ani ng ilan sa mga ito, baka tuluyan na umanong napagdesisyunan ng dalawa na magpahinga na mula sa pagva-vlog. Sa Pilipinas, isa ang JaMill sa may pinakamaraming views at subscribers at ang mga vlogs ng mga ito ay isa sa mga pinaka pinapanood at inaabangan. 

Ang kanilang YouTube channel ay umani na nga ng mahigit sa 12 million subscribers at lagpas na rin umano sa billion ang kanilang kabuuang mga views. 

Samantala, mayroon ding iba na nagsasabing baka prank lang din umano ito ng JaMill lalo na’t kilala rin ang dalawa sa kanilang ginagawang mga prank. Ngunit, mayroon ding iba na nagsasabing baka mayroon pang mas malalim na dahilan kaya tuluyan nang binura ng dalawa ang kanilang YT channel.


Hindi lingid sa kaalaman ng marami na mayroon ding mga isyu na kinasangkutan ang JaMill. Pinakamalaki na marahil sa mga ito ang nangyari kamakailan lang kung saan, nalagay sa isang malaking kontrobersiya ang JaMill.

Ilang buwan lamang ang nakakaraan nang inamin ni Jayzam ang kasalanan nito kay Camille matapos na lumabas ang balita nang pagtataksil nito sa huli. Inakala ng marami na gaya ng kanilang ipinapakita sa publiko ay mahal na mahal ni Jayzam ang nobya.

Ngunit, lumitaw ang ilang mga babae na umano’y nakausap ni Jayzam at naiugnay dito. Dahil dito kaya umani ng mga pambabatikos ang vlogger ngunit, sa huli ay mukhang pinatawad pa rin si Jayzam ni Camille at bumalik ang mga ito sa dati.

Gayunpaman, sa balitang ito na burado na ang YT Channel ng dalawa, marami ang naghihinala na may kinalaman ito sa naturang kontrobersiya nina Jayzam. Marami ang nagsasabi na baka hindi pa talaga tuluyang nagkaayos ang dalawa at ito ang isa sa mga resulta ng naturang sitwasyon nila.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag sina Jayzam at Camille tungkol dito. Maliban na lamang sa isang misteryosong post ni Camille sa Instagram, wala pang opisyal na paliwanag ang mga ito kung ano ang nangyayari sa kanilang YT Channel.

“Finding peace is better than revenge,” ani pa nga ni Camille sa IG post nito.

Samantala, heto ang ilan sa mga nagtatanong na reaksyon ng mga netizen tungkol sa pagburang ito umano ng YT channel ng JaMill:


“I'm confused. Deleted? Reported?? Ba’t biglaan naman at kahit sa second channel nila?”

“Hoy wala nang YouTube channel ang JaMill????!!”

“Omg Jamill's YouTube channel is alr deleted!”

“Bakit nga kaya wala na ang YouTube channel ng #Jamill?”

Panoorin ang buong video dito!