Trending ngayon sa social media ang Facebook post ni Jeff Avila ng Tayabas, City, Quezon na ibinahagi ang kanyang labis na pagdadalamhati sa sinapit ng kanyang minamahal na asawa na si Alysa Mariz.

Tuluyan nang pumanaw si Alysa noong September 24, 2021, matapos ang ilang araw na pakikipaglaban nito sa kamatayan.

Ito ay matapos ang pagsabog ng LPG tank sa inuupahang apartment ng mag-asawa sa Casimiro Town Homes, Barangay Daniel Fajardo, Las PiΓ±as City.

Nangyari ang pagsabog nitong September 10, 2021 ng umaga. 

Wasak at halos gumuho na ang bahay ng mag-asawa. Sugatan silang nakalabas ng bahay sa tulong ng mga residente sa lugar.

Hindi na rin nagpaunlak pa ng interview si Jeff dahil sa sobrang kalungkutan. Hindi nila halos maisip na ganoon ang kanilang sinapit. 

Ayon sa kanyang kwento bihira naman daw nila gamitin ang lutuan. Maaga daw silang gumising ng oras na iyon upang pumasok sa trabaho. Posibleng kinagat daw ng daga ang hose ng LPG tank dahilan para sumingaw ito.

Pagsindi daw nila ng lutuan ay doon na nagkaroon ng malakas na pagsabog.

Nagtamo ang mag-asawa ng matinding paso sa katawan. Halos mawala ang saplot sa katawan ni Alysa sa tindi ng pagsabog.

Nagtamo ng mga malalaking sugat ang katawan ng mag-asawa. Halos mawala ang saplot ng asawa ni Jef na si Alysa dahil sa tindi ng pagsabog.



Kwento ni Jeff sa kanyang Facebook, March 24 ang birthday ni Alysa, at July 24, 2021 sila ikinasal at September 24 naman ito namaalam. Hindi makakalimutan ni Jeff ang petsang ito. Ipinadama ni Jeff ang pagmamahal sa kanyang may-bahay.

Basahin ang buong post ni Jef sa kanyang social media account:

Grabe, Napakabilis ng pangyayari Love! Hindi ko maimagine na ganito ang mangyayari sating dalawa 😭😭😭 Sobrang nanghihinayang ako kasi bago palang tayo nagsisimula bilang mag-asawa. 2 months palang tayo ngayon. Kaya pala love, nung magkausap tayo kahapon(sept.23) pinilit mo parin makapagsalita kahit hirap na hirap ka na  at ang nabanggit mo lang ay 24, kaya lalo ako naiyak kasi sa hirap ng sitwasyon mo naisip mo pa na monthsary natin ngayon sa kasal..tas ito rin pala yung huling araw ng buhay mo..😭😭😭grabe lang love..

#JULY 24, 2O21- WEDDING DATE

#MARCH 24, 1995- BIRTHDAY MO

#SEPTEMBER 24, 2021- ito na pala yung huling araw mo.😭😭😭

Ang dami dami pa natin pangarap na gustong abutin na magkasama. Pero naglaho ang lahat. Pero wag ka mag alala love sikapin ko parin na tuparin lahat yun.And yung last na bilin mo na wag ko pababayaan si mama yolly.. Yes, love pangako yun. Walang magbabago don dahil ang mama mo ay magulang ko narin. Hindi ko rin sya pabayaan gaya ng pag aalaga ko sayo. 

Basta love, mahal na mahal kita. Alam mo naman yun di ba?? Kasi nagkwento sakin ang mga nurse na nag aalaga sayo. Natutuwa ako na marinig na palage mo raw ako hinahanap at ako daw plage mo bukang bibig. Kahit medyo nagkakaproblema ka na sa pag iisip that time e hindi mo parin nalilimutan si dadee..Grabe lang talaga yung sinapit mo love..Hindi ko enexpect na aabot ka sa ganong sitwasyon. Sobra sobrang pain yung tinamo mo at hirap. Pero hindi ka parin agad bumitiw, pinakita mo parin samin na kaya mo at hindi ka susuko kahit alam naming hirap na hirap ka na. Kaya hindi karin namin sinukuan love, hindi ka namin binitawan hanggang sa huli.


Hindi ko alam kng makaka move on pa ba ako..Kasi napakahirap, hindi ko kayang kalimutan ang isang tulad mo. 😭

Ngayon, atleast hindi ka na mhihirapan at masasaktan. No more pain love.!  Makakasama mo narin si papa mo.Basta palage mo kaming gabayan ha. Ikaw ang magiging guardian angel ko love..

So pano?,pahinga ka na ha..ituloy nalang natin ang pagmamahalan natin sa kabilang buhay. Iloveyou so much asawako πŸ’•πŸ’•

Hindi halos mawari ni Jeff ang halos 14 na araw na pakikipaglaban ni Alysa para sa kanyang buhay.

Dakong 6:00 ng umaga raw ng makarinig sila ng napakalakas na pagsabog at pagyanig. Sa lakas ng pagsabog ay nabasag din ang kanilang bintana at salamin ng kotse. Basag din ang bintana ng kanilang mga kapitbahay. Nagkalat ng debris sa paligid.

Ang bubong at bahay ng mga biktima ay umangat at gumuho ang ilang bahagi. 

Source: gmanetwork