Kamakailan lang ay naging 'talk of the town' ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Paolo Contis at LJ Reyes. Isa sa mga iginigiit na dahilan ng mga netizen na 'third party' ang dahilan ng kanilang hiwalayan. 

Lumalabas na nag viral ang nasabing BTS o behind the scenes ng pelikula nina Paolo Contis at Yen Santos na "A Faraway Land" na ipapalabas sa Netflix.

Ang nasabing pelikula ay ginanap umano sa Faroe Islands sa Denmark, isa sa mga bansa ng Europa.

Ang pelikulang "A Faraway Land" ay isang romantic film na kung saan ginampanan ni Paolo ang karakter ni Nico at si Yen Santos naman bilang si Mahjoy, asawa ng isang Danish. 

Sa isang YouTube video, ipinakita ng isa sa mga staffs ng pelikula ang mga preparations na ginawa ng production team para sa gaganapin na shooting.

Kitang kita sa video na abalang abala ang buong staff ng production team ng "A Faraway Land" para sa scenes nila ni Paolo at Yen.

Matatandaang, sinabi ni Paolo Contis na malakas ang chemistry nila ni Yen, kung kaya't kitang kita rin ito sa mga scenes nila. Dagdag pa nito, sobrang natural at propesyonal lang ang lahat.

Ngunit, nitong mga araw lamang, naaktuhan si Paolo na may kasamang ibang babae. Gayunpaman, hindi matukoy kung sino ang babae na kasama nito dahil nakatalikod ang dalawa sa kuhang litrato. Hula ng marami, si Yen ang kasama ng aktor.

“Nagsusubuan habang kumakain, that’s so sweet!!,” caption ng netizen na siyang nagbahagi ng naturang photo sa kaniyang Instagram story at tinukoy pa nito na nasa Baguio City umano ang dalawa.


Dahil sa hindi pa matukoy kung sino ang kasamang babae ni Paolo, kanya-kanyang mga kuro-kuro at espekulasyon ang kumakalat sa kung sino nga ba ang kasama ng nasabing aktor.

Sa kabilang banda, nitong mga araw, nag trending ang aktor matapos silang maghiwalay ng kanyang long-time girlfriend na si LJ Reyes.

Kaugnay nito, binasag naman ni LJ ang lahat ng mga espekulasyon ng marami na kung bakit opisyal na silang hiwalay ng kanyang long-time boyfriend na si Paolo Contis.

Ayon kay LJ, matagal tagal din siyang nanahimik na lang sa kung ano ang mga na-realize niya sa kanilang relationship. Marami rin siyang mga bagay na nadiskubre sa loob ng kanilang relasyon nitong mga nakaraang mga buwan.

“The past two months have been revelation after revelation,” paglalahad ng aktres.

Isiniwalat din ng aktres kung gaano kahirap sa kanya na matulog tuwing gabi. Ang tanging nakakapag pagaan ng kanyang loob ay ang makinig sa mga praise and worship songs.


“Sa gabi nagpapatulog sa kin ay praise and worship," dagdag ng aktres.

Sinabi rin ng aktres na kung minsan ay binabangungot na siya at marami rin siyang mga tanong sa kanyang sarili na kung bakit ganun ang kanilang kinahinatnan.

Sa ngayon, hindi na nagbitiw ng statement ang aktor tungkol sa kontrobersyal na hiwalayan nila ng kanyang long-time girlfriend na si LJ Reyes.

Panoorin ang buong video dito!