Nitong mga araw lang, isiniwalat ni Cristy Fermin ang tungkol sa matagal na sikreto ng aktres na si Yen Santos na isa sa mga pinagkakaguluhan ngayon dahil sa kinasasangkutang isyu na ‘alleged’ third party sa relasyon nila ni Paolo Contis at LJ Reyes.

Ayon kay Cristy Fermin, matagal na raw hiwalay sina Yen Santos at ng kanyang ex-boyfriend na sinasabing isang politician.

Sa kanyang episode sa “Take It Per Minute,” nabanggit niya ang relationship status ni Yen Santos at sinabing, libre na si Yen dahil wala na siya ng kanyang ex-boyfriend na isang politician, matagal na panahon na ang nakalipas. 

“Teka Cristy, saĆ½o ko 'to nabasa, wala na ba talaga si Yen tsaka yung...?" tanong  ni Lolit Solis kay Cristy Fermin.

"Huwag mo na papangalanan," sagot ni Cristy Fermin sa tanong ni Lolit.

 "May tumawag kasi sa akin, sa kampo naman 'to ni Yen, matagal na siyang libre," sinabi ni Cristy Fermin.

Wala na, hiwalay na sila," dagdag pa ni Fermin.

 "Matagal na si politiko at saka si Yen na wala na?" tanong ni ni Mr. Fu. 

"Oo, ala ng sustento, wala na lahat," pahayag ni Cristy Fermin.

Ang ipinalit yung aktres na malapit nang lumipad..." sabi ni Cristy. 

"Si Darna?" tanong niLolit. "Iyon! So malaya na raw si Yen" sabi ni Cristy, na tila sinang-ayunan ang hula ni Lolit kung sino ang tinutukoy nito.

 "Producer ata siya dun eh," said Cristy, tinutukoy ang ex-boyfriend ni Yen.


Tinanong naman ni Mr. Fu kung ang pelikula ba ay bago o luma na. Agad naman sumagot si Cristy Fermin na iyon ay bago lang.

Kamakailan lang ay isa sa mga nag trending sa social media ay ang hiwalayang LJ at Paolo. Maraming mga netizen ang hindi makapaniwala dahil sa umano'y maraming mga sweet posts at moments ang dalawa na nagpaantig sa puso ng bawat netizen.

Maraming mga espekulasyon ang mga netizen na third party issue ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Paolo Contis at LJ Reyes at ang itinuturong babae na dawit sa kanilang hiwalayan ay si Yern Santos. 

Nabuo agad itong mga espekulasyon at haka haka ng mga netizen dahil sa umano’y leading lady si Yen Santos ni Paolo Contis sa kanilang Netflix film na “A Faraway Land.”

Kinumpirma nga ni LJ Reyes sa interview nito kay Boy Abunda ang paghihiwalay nila ni Paolo Contis at ang biglaang pag-alis nila ng bansa, “We left because I felt that I really need to get myself and my kids out of the situation physically. 

"Para kahit papano matulungan din kami emotionally and mentally to recover and rebuild as a small family," dagdag pa ni LJ.


Ngunit, nitong mga araw lamang, naaktuhan si Paolo na may kasamang ibang babae. Gayunpaman, hindi matukoy kung sino ang babae na kasama nito dahil nakatalikod ang dalawa sa kuhang litrato.

“Nagsusubuan habang kumakain, that’s so sweet!!,” caption ng netizen na siyang nagbahagi ng naturang photo sa kaniyang Instagram story at tinukoy pa nito na nasa Baguio City umano ang dalawa.

Dahil sa hindi pa matukoy kung sino ang kasamang babae ni Paolo, kanya-kanyang mga kuro-kuro at espekulasyon ang kumakalat sa kung sino nga ba ang kasama ng nasabing aktor.

Sa Twitter account ni DJ Mo Twister, nagbahagi ng  ‘tea’ o blind item ang kilalang showbiz personality tungkol sa mga artistang nagkakahulugan ng loob kapag sila ay nagkakatrabaho.

Source: KAMI