Mas pinainit ngayon  ng isang showbiz personality na si DJ Mo Twister ang social media matapos nagbitiw ng isang blind item na siyang idinidikit ng maraming mga netizen sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes.

Kamakailan lang ay isa sa mga nag trending sa social media ay ang hiwalayang LJ at Paolo. Maraming mga netizen ang hindi makapaniwala dahil sa umano'y maraming mga sweet posts at moments ang dalawa na nagpaantig sa puso ng bawat netizen.

Kinumpirma nga ni LJ Reyes sa interview nito kay Boy Abunda ang paghihiwalay nila ni Paolo Contis at ang biglaang pag-alis nila ng bansa, “We left because I felt that I really need to get myself and my kids out of the situation physically. 

"Para kahit papano matulungan din kami emotionally and mentally to recover and rebuild as a small family," dagdag pa ni LJ.

Ngunit, nitong mga araw lamang, naaktuhan si Paolo na may kasamang ibang babae. Gayunpaman, hindi matukoy kung sino ang babae na kasama nito dahil nakatalikod ang dalawa sa kuhang litrato.

“Nagsusubuan habang kumakain, that’s so sweet!!,” caption ng netizen na siyang nagbahagi ng naturang photo sa kaniyang Instagram story at tinukoy pa nito na nasa Baguio City umano ang dalawa.


Dahil sa hindi pa matukoy kung sino ang kasamang babae ni Paolo, kanya-kanyang mga kuro-kuro at espekulasyon ang kumakalat sa kung sino nga ba ang kasama ng nasabing aktor.

Sa kaniyang twitter account ay nagbahagi ng tila ‘tea’ o blind item niya ang kilalang showbiz personality na si DJ Mo Twister tungkol sa mga artistang nagkakahulugan ng loob kapag sila ay nagkakatrabaho.

“Not surprised to be honest. actors/actresses often develop feelings for each other when shooting such romantic films. especially if you shoot in destination locations like europe. most especially if you get your b*tth*le licked.,” tweet ni DJ Mo Twister.

Sa tweet ni DJ Mo Twister, maraming mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang mga haka haka sa kung sino ang pinapatamaan ng nasabing DJ.

Marami ang nagbigay ng kanilang espekulasyon na ang tweet na ito ay may kinalaman kina LJ, Paolo at Yen Santos.

Matatandaan pa ngang nagkasama sa pelikulang “A Faraway Island” sina Paolo Contis at Yen Santos kung saan kinunan sa Faroe Islands ang pelikula na siyang bahagi ng Europe.

Maalalang, binasag na ni LJ ang lahat ng mga espekulasyon ng marami na kung bakit opisyal na silang hiwalay ng kanyang long-time boyfriend na si Paolo Contis.

Ayon kay LJ, matagal tagal din siyang nanahimik na lang sa kung ano ang mga na-realize niya sa kanilang relationship. Marami rin siyang mga bagay na nadiskubre sa loob ng kanilang relasyon nitong mga nakaraang mga buwan.

“The past two months have been revelation after revelation,” paglalahad ng aktres.


Isiniwalat din ng aktres kung gaano kahirap sa kanya na matulog tuwing gabi. Ang tanging nakakapag pagaan ng kanyang loob ay ang makinig sa mga praise and worship songs.

“Sa gabi nagpapatulog sa kin ay praise and worship," dagdag ng aktres.

Sinabi rin ng aktres na kung minsan ay binabangungot na siya at marami rin siyang mga tanong sa kanyang sarili na kung bakit ganun ang kanilang kinahinatnan.